Friday, October 30, 2015

Laglag Bala Gang


May bagong modus ngayon sa isang sikat na paliparan sa Metro Manila at ito ang paglaglag ng bala sa inyong bagahe at sisingilin ka ng malaking halaga para hindi ka makasuhan.

Nagawa na nila ito sa ilang dayuhan at hindi pa sila nakuntento, ginawa din nila ito sa mga OFWs.

At dahil diyan, bibigyan ko kayo ng ilang tips para makaiwas sa ganitong modus.

1. Kapag nalaglagan ka ng bala sa iyong bagahe at sinisingil ka ng malaking halaga, kailangan tumawad ka, kasi kadalasan may discount yan.

2. Sabihing pangontra sa kulam yan.

3. Sabihing vibrator ito at kung sakaling tanungin kung bakit ang liit, sabihing "nakakakiliti kasi".

4. Tanungin sila kung bakit bala lang, asan yung baril?

5. Sabihing hindi bala yun, bomba yun nang sumabog lahat ng mga buwaya sa airport.

Paalala: ang mga tips na binigay ko ay puro kathang isip lang at walang katotohanan.

Thursday, October 29, 2015

#wagintindihinnakakalunod


Ito ang madalas kong ginagamit na HT sa FB na isang paalala na kung masyado mong iniintindi ang mga mensahe, lalo kang malulunod kaya dapat easy lang sa pagbabasa. Kadalasan unang basa lang nandun na yung ibig sabihin eh pero kung lalaliman mo, sumaklolo ka na. Hahaha!

Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin na parang baliw lang eh wala akong magagawa, mga PABEBE kasi kayo eh! Ayan oh #wagintindihinnakakalunod nanaman. Ibig kong sabihin, di ko kayo mapipigilan gaya ng mga pabebe girls.

Binubuo ko din pala yung mga datos sa HT ko sakaling makabuo ng libro na pwedeng i-download via Google Play gaya ng mga ebook ko na naka upload na.