Nagbabalik po ulit ang seriouslyfunnyy.blogspot.com para sa makabagong blogs at napapanahong issue. Tunghayan po natin ang kakatapos lang na debate.
Sa blog na ito ay ating ihahambing ang mga kandidato sa pagka-presidente sa isang mahalagang okasyon o pangyayari dito sa bansa.
1. Binay- kung isang mahalagang pangyayari si Binay, hindi na po tayo lalayo sa Metro Manila. Siya ay maaari nating ihambing sa kapistahan ng itim na Nazareno. Nasa inyo na po ang paliwanag.
2. Roxas- sa napakinggan kong debate noong Linggo, batay sa kanyang mga mabulaklak na salaysay, pwede natin siyang ihambing sa Valentine's Day.
3. Defensor-Santiago- batay sa kanyang mga salaysay tungkol sa kanyang sakit at kamatayan, pwede natin siyang ihambing sa Pista ng Patay.
4. Duterte- sa tapang ng pananalita niya ay pwede natin siyang ihambing sa isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ay ang pagbabalik ni McArthur dahil siya ang tumulong upang palayain tayo mula sa mga Hapon at gaya niya, si Duterte din ang mag-aahon sa atin sa pananakop ng mga corrupt na politiko. (Lilinawin ko lang, hindi ako pabor sa Federalism niya)
5. Poe- wala akong maisip sa kanya eh! Pero kung meron man, siya na lang yung 4th of July dito sa PIlipinas- ang Filipino-American Friendship Day. Alam niyo naman kung bakit.