Thursday, January 22, 2015

Millionize Me



Ang million o milyon sa tagalog ay binubuo ng pito o higit pang numero at ang isang milyon naman ay binubuo ng anim na zero "0" at ng isa pang bilang- halimbawa 1.

Pero ilan nga ba sa atin ang nakakita na at nakahawak na ng isang milyon? Sa mga normal na tao na tulad ko ay kailan man hindi pa nakakita at nakahawak ng isang milyon sa buong buhay ko. Baka po may magbigay diyan ha!?


Maging ang ilang kababayan din natin sa larawan sa itaas, sa tingin mo nakahawak na din ang mga yan? Eh sa tingin mo nakakita na din sila (larawan sa itaas) ng isang milyon sa buong buhay nila? Sa tingin mo isang milyon ang kanilang iniisip o ang kanilang pagkain na siyang makakaraos sa kanila upang malagpasan ang isang araw na pamumuhay nila? Bakit nga ba tayong mga nasa ibaba ng poste ng pamumuhay eh kahit magtrabaho tayo araw-araw, hindi tayo makahawak ng isang milyon? 


Bakit ang mga senador natin, parang barya lang kung banggitin ang isang milyon? Sa tingin siguro nila eh barya ang binubulsa nila, kahit pera ng bayan eh patuloy nilang kinakamkam. Pero madali lang namang kumita ng isang milyon eh.

1. Maging politiko
2. Magtayo ng sariling sekta ng relihiyon
3. Magkaroon ng limang trabaho sa isang araw
4. Mag-abroad ka at magboyfriend ng mayaman
5. Sumali sa mga patimpalak tulad ng larawan sa ibaba


Isang milyon ba kamo? Matulog na lang tayo, yayaman pa tayo!!!


Monday, January 5, 2015

What is Wrong with the Commercials?

Kung kayo ay may TV at nanunuod nito palagi, well alam niyo din ang "patalastas" na kung saan ang banggit ng iba dito ay "palatastas". Para hindi na malito, commercials na lang.

May napapansin ba kayo sa mga commercials ngayon? Parang pa-bobo na ng pa-bobo. Nawawala na ang sense, at may iba din namang commercials na matagal nang umi-ere eh parang tanga pa din.

Binase ko ang paglagay ng mga commercials na ito sa pagiging Epic nila at Fail nila. Isa pa, yung kadalasang naipapalabas lamang sa TV ang aking babanggitin.

                            At ang mga ilan nito ay ang mga sumusunod:

1. Red Horse Beer

Isang brand ng beer na may logo ng pulang kabayo at sa English tranlation nga ay "Red Horse"
Ang dating slogan nito ay "Ang lakas ng tama" na pinalitan ng "Ito ang tama"

Epic: Sa commercial nito, kahit na malakas ang tama eh parang hindi mukhang lasing ang mga tao, masaya pa rin sila kung titignan at buhay na buhay.

Fail: Dahil sa lakas ng tama, dapat ipinapakita nila na ang mga tao ay lasing na, nagsusuka at nagbabasagan ng bote.

2. Favorite Pinoy Snacks

Ilan lamang ang mga ito ang kinahihiligan ng mga Pinoy na kainin dahil masarap na, sadyang makukulay pa ang mga pakete nito na animoy nang-aakit sa mga mamimili.

Epic: Ang lalaki ng mga pakete, mukhang madaming laman. Nakakasilaw kasi ang mga commercials ng mga ito.

Fail: Ang laki nga ng pakete, kunti naman ang laman. Parang mas marami pa ata ang hangin kesa sa makakain mo. Sana oxygen o carbon dioxide na lang sana ibinenta nila.

3. Safeguard

Sino ba naman sa mga Pinoy ang hindi makaka-alam ng sabon na ito eh isa na ito sa mga lumang sabon na pinapalabas sa TV. Tanong lang, kapag ang sabon bang ito nalaglagsa sahig, madumi na? Kayo na po ang bahala!

Epic: It kills 99.9% of germs. Matagal na nilang sinasabi ito. Simula pa nang unang umere ito sa telebisyon.

Fail: It kills 99.9% of germs, anong nangyari sa .1%? Na bully? Biktima ng pork barrel? Corruption?

4. Domex
Ito yung pinaka da best na commercial kung labanan ng pagpuksa ng germs. 

Epic: Pinupuksa nito lahat ng kilalang germs na nagdudulot ng sakit.

Fail: Punyeta kung pinupuksa nito lahat ng kilalang germs potah ipapakilala mo pa yung mga germs na ito? Wag ganun men. Sana, pinupuksa lahat ng germs period.

5. Family Rubbing Alcohol

Kung palumaan ng commercial, isa din ito sa mga lumang umere sa TV. Ginagamit ito ng karamihan at lalong-lalo na sa hospital mula noon hanggang ngayon.

Epic: Sino ba naman ang makakalimot ng slogan nitong "Hindi lang pampamilya, pang-sports pa!"

Fail: Eh panu yung magkaibigan, sa mga tindera, driver kung para sa pamilya at sports lang pala ito? Dapat sana sinabi nila "Family rubbing alcohol, para sa lahat!"

Ilan lamang ang mga ito ang may Fail commercials at ito din yung top 5 ko na nasa listahan ko ng Epic Fail commercials. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa.