Sunday, March 22, 2015

Clowns

Alam niyo ba na ang clown o payaso sa tagalog ay isang nakakatawang tagapalabas? Sila ay madalas gumawa ng mga slapstick performance para magpatawa, ganito din ang unang komedyang palabas nung una na pinasikat nila Charlie Chaplin.

Pero ang ilan sa atin ay takot sa mga payaso o may kondisyon na tawagin ay Coulrophobia. Madalas kasing ginagamit ang mga ito sa mga suspense o horror movie na kung saan ang mga payasong ito ay pumapatay.




Ang payasong ito ang kadalasang ipinapalabas sa ating mga telebisyon. Siya yung tipong pumapatay, kumikidnap ng mga batang papatayin. Sino ba naman ang hindi matatakot sa ganyang mukha. Tanginang mukha yan! 

Ang karaniwang paniniwala natin sa mga payaso ay nagpapataya, nagbibigay ng sigla sa manunuod pero ang ilan talaga ay pumapatay. Pero hindi ang payasong ito ang may mas marami ng napatay.


Siya si Ronald Mcdonald-ang sikat na payaso sa likod ng sikat na fast food restaurant na Mcdonald. Ang hindi alam ng lahat, mas marami siyang napatay kesa sa killer clown na nasa itaas na larawan. Ang pagkain sa kanyang restaurant ay nakakadulot ng madaming sakit na siyang dahilan ng maagang pagkamatay ng ilan sa atin sa buong mundo. Sino ba naman ang makakatanggi sa mga produkto nitong ubod ng sarap. 

Pero ano pa man ang sabihin ng ilan sa atin, Pap-pa-rap-pap-pap...Love ko'to!


No comments:

Post a Comment