Napakalungkot mang isipin na maraming hindi kaaya-ayang tignan o punan sa panahon natin ngayon. Maraming nagtatanong ano ba meron ang Pinas na wala sa iba? Hayaan niyong magbigay ako ng mga ilang dahilan kung bakit ang Pinas ay kakaiba-It's More Fun in the Philippines!!!
1. Poor vs Rich
Napansin mo ba kung bakit kahit anong trabaho mo, hindi ka man lang maka-angat sa kinalalagyan mo? The rich is getting richer and the poor is getting poorer. Ang sakit diba? Mahirap talagang umasenso dito sa sarili nating bansa pero kahit ganun pa man, masaya pa ring tumira dito- It's More fun in the Philippines.
Badly Worst: The only thing that creates WEALTH is through WEALTH itself! Di ka naman yayaman kung mahirap ka talaga eh, Yayaman ka lang kung meron ka na talagang nasimulan o puhunan.
2. Corruption
Ito yung sakit ng lipunan na hindi agad magagamot ng ano mang medisina. Nasa sistema na yan ng bawat bansa, hindi mo naman maiwasan ito eh! Yan ang dahilan kung bakit naghihirap ang Pinas. Kung makakupit ang ating mga gahamang pulitiko eh kala mo barya lang...hoy! Milyon na kaya binubulsa mo! Kahit na mag rally pa ang mga aktibista, wala pa ring mapapala at sa huli balik pa rin sa dating gawi na parang walang nangyari- It's More fun in the Philippines.
Badly Worst: Corruption is untreatable and the government is so dishonest! Palitan na nila yung ads ng mga pulitiko wag "No to Corruption" dapat "Less Corruption" baka tanggapin ko pa!
3. Media
Napapansin niyo ba kung bakit ang isang balita ay agad nang nawawala o napapatay? Yung tipong putok na putok ngayong Linggo tapos bilang nawawal? Iyan ay dahil sa kapangyarihan ng media. Sa sobrang dami ng tagline nila, hindi na kapani-paniwala. Kung tutuusin, kinokontrol na nila tayo dahil sa halos lahat ng tao sa mundo ay may access dito.
Badly Worst: Media has the power to make the innocent guilty and to make the guilty innocent, that is power because they control the mind of the masses. Oh diba tama naman! Sa dami ng mga source ng media akala natin nakaka-connect tayo pero sa totoo nadidisconnect pa nga tayo eh!
4. Vice Ganda World
Sino ba naman ang hindi matatawa sa mga banat niya sa tv at sa mga pelikula? Sa mga hindi nakakaalam nauna siyang lumabas sa mga comedy bars at nang kalaunan ay napapanuod na bilang host sa isang noontime tv show. Pero ang hindi niyo napansin, pinapaikot lang tayo nito sa kanyang mga mababangong salita. dinadaan niya lang sa mabulaklak na usapan para lang tangkilikin ang kanyang paraan ng komedya. Kailangan ba talagang manlait ng isang tao para mapatawa ang mga manunuod? Tapos sa huli sasabihan mo ng "I love you ate/kuya" ? Anong sense nun? SMH
Badly Worst: Patunay na ang mga Pinoy ay hindi lang tanga, oto-oto pa!
5. KathNiel Fever
Sino ba naman ang hindi makakaalam sa tambalang ito? Sila na ata ang sikat na tambalang para sa lahat ng edad at kasarian. Pero gaya din ni Vice Ganda, pinapaikot din tayo ng mga ito. Alam naman nating sa mundo ng showbiz ay puno ng kaplastican, natural lang iyon kasi tao din naman sila.
Badly Worst: Halos lahat ng social media sila na lang ang laman, pati mga balita sa tv sila na lang ang laman. Anyare teh? Kamusta naman ang mga kababayan nating naipit sa giyera? Mga kababayan nating naghihirap maghanap-buhay? Kamusta naman si PNoy? Kamusta naman ang Mamasapano? Kamusta naman ang BBL? Kamusta naman ang Ebola? Kamusta naman ang MErsCov? Kamusta naman si Napoles? Kamusta naman ang POrk Barrel? Kamusta naman ang Maguindanao? Oh sana naman natauhan ka na ngayon hah!?
No comments:
Post a Comment