Wednesday, August 19, 2015
Characters in MRT
Ang MRT dito sa Singapore ay isa sa mga modernong mrt sa buong mundo. Kung ikukumpara mo ito sa mrt sa Pilipinas...balik na lang tayo sa mrt dito sa Singapore.
Halos lahat ng tao dito sa SG ay sumasakay sa mrt dahil bukod sa mabilis na paraan ng pagbiyahe ay napakalamig pa sa loob at hindi ka gaanong kasiksik.
Sa aking pagsakay dito ay napansin kong may mga ibat ibang klase pala ng pasahero dito at para lalong maging mas creative ay papangalanan ko sila at bigyan ng character mula sa sikat na mga pelikulang ating napanuod.
1. Mala-Silver Surfer sa Fantastic Four
Sila yung mga pasaherong hindi humawak sa safety railings sa loob ng mrt, mas gusto yung nakabalanse lang sila at sila din minsan yung laging nakatingin sa kanilang phones. Kung sakaling matutumba na hindi pa rin hahawak yan bagkus babalansehin lang yung katawan nila na parang nagsusurfing.
2. Captain America
Wala namang espesyal sa mga pasaherong ito pero sila yung kadalasang naka backpack na hindi mo alam kung anong laman o anong gamit pero kapag nakasakay na ay nilalagay sa harap nila na para bang ginagamit na armor na gaya ni Captain America.
3. Professor X
Sila yung mga pasaherong walang ibang ginawa kundi pag isipan ng kung anu-ano yung mga nakikita nila sa loob ng mrt. Kumbaga talagang mind reader ang potah!
4. Cyclops
Sila naman yung matalim kung makatitig. Kung aakalain mo eh titirahin ka talaga ng optic blast. Huhubaran ka sa katititig- mega optic blast ang peg.
5. Quick Silver
Para sa hindi nakaka alam, si Quick Silver po ay ang counter part ni The Flash ng DC comics. Mabilis siyang tumakbo at ganun ang mga pasahero sa mrt na nagmamadaling tumakbo para maka abot habang bukas pa ang pinto ng mrt. Kailanman ay hindi sila naiipit sa pinto pero meron na din minsan. Ouch!!!
6. Steve Jobs
Sila yung mga pasaherong naka-iphone at hindi lang basta iphone kundi yung latest na iphone, naka-ipad o ipad mini at naka backpack ng imac. Napansin niyo pa? Ang forbidden fruit Apple na kumpanya ni Steve Jobs!
7. Curry
Sila yung pasaherong akala mo kung naglalakad na curry dahil sa amoy. Kadalasan, ang mga lahing Pana (Indian National para sa hindi nakaka-alam) no offense po pero bakit kapag sumasakay sila eh parang may bulsa palaging curry dahil sa amoy nila!
8. Exorcists
Sila yung mga pasaherong umiikot ang mata, kung anu-ano ang tinitignan at umiikot ang ulo. Kadalasan, tinitignan yung mga kasuotan, cellphone, lalaki, sapatos etc.
9. Fifty Shades of Grey
Sila yung magsyota na walang ginawa sa loob ng mrt kundi magharutan, maghalikan kulang na lang hihiga na sila at maglampungan.
10. Autistic
Sila yung pasaherong walang pakialam sa iba at may sariling mundo...autistic nga eh!!!
There you have it guys!!! Mga characters sa loob ng mrt! Ay wait... "The next station is Little India, ciao ing to" wala lang favorite ko lang kasi ito eh! Hahaha.
May isa pa akong favorite yung " berhati-hatindi ruang platform"
Well, alin kayo sa mga characters na nabanggit ko sa loob ng mrt?
Tuesday, August 18, 2015
Buy n Sell Convos
Ito ang usong negosyo ngayon- ang Buy and Sell. Bibili ka ng isang bagay sa murang halaga at saka mo ibebenta sa iba ng may patong.
Halimbawa:
Bumili ng Phone worth 5000 pesos, tapos ibebenta mo sa iba ng 5500 pesos;
Di kumita ka ng 500 pesos.
Pero gaya nga ng sabi ng iba trabahong tamad daw ito kasi laway lang ang puhunan.
Pero nakakita na ba kayo na ang isang Seller ay naging buyer at kung minsan naman ang Buyer ay ipinapakita ang katangahan?
Ito ang halimbawa:
1. Seller na naging Buyer
Buyer: Sir, available pa ba yung Honda civic?
Seller: Yap! Available pa!
Buyer: Ang alin?
Seller: Yung Honda Civic!
Buyer: Yes, still available!
Huwaw naman! Buyer ka lang eh, naging Seller ka na! Aba matindee!!!
2. Tangang Buyer
Buyer: Sir, ano na pala yung binibenta mo at magkano?
Seller: Iphone 6 plus, original, 35,000 pesos (fixed)
Buyer: Ano po ba ang sira at na fix niyo po?
Huwaw naman! Yung price daw fixed na ibig sabihin wala ng bawas at dagdag, at kailanman hindi naipaayos! Huwaw naman!!!
3. Kapwa Buyer
Buyer: Magkano po powerbank?
Seller: 300 pesos!
Buyer: Ang mahal naman! Pwede 100 na lang!?
Seller: Sige kung may ganito kang powerbank bilhin ko sayo ng 100 pesos!!!
Suplado ni Seller, sarap batuhin ng battery ng motor!!!
Ilan lang yan na mga convos ng mga Seller at Buyer na minsan sa ating buhay ay mae encounter natin!
Tandaan, masarap magkapera kung galing sa laway at pawis at sa malinis na paraan.
Teka, paano nga ba naging malinis yung laway at pawis??? NYak!!!
Sunday, August 16, 2015
Reporting
Panahon nanaman ng tag-ulan sa Pilipinas at kamakailan lang ay kakadalaw ng bagyo na nagdulot ng baha sa ilang bahagi ng bansa.
Pero napapansin ko lang sa mga balita eh hindi eksakto ang pagkakasabi.
Heto ang halimbawa:
Reporter: Uhm Mike, nandito tayo ngayon sa Malabon at ang baha ngayon dito ay hanggang beywang at sa ibang bahagi naman nito ay lagpas tao na!
Ganun ba? Eh kung hanggang beywang, beywang nino?
Kung lagpas tao, sino?
Baka kasi kung si Dagul o Mahal lang ang basehan eh hanggang tuhod ko lang! Hahaha
Anyways, mas maganda ang pagbabalita sana kung naglalagay ng tamang sukat.
Halimbawa:
Reporter: Mike ang baha dito sa Malabon ay may taas na 50 cm at 120 meters above sea level!
Naku, dugo agad ilong ko niyan!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)