Tuesday, August 18, 2015

Buy n Sell Convos


Ito ang usong negosyo ngayon- ang Buy and Sell. Bibili ka ng isang bagay sa murang halaga at saka mo ibebenta sa iba ng may patong.

Halimbawa:

Bumili ng Phone worth 5000 pesos, tapos ibebenta mo sa iba ng 5500 pesos;

Di kumita ka ng 500 pesos.

Pero gaya nga ng sabi ng iba trabahong tamad daw ito kasi laway lang ang puhunan.

Pero nakakita na ba kayo na ang isang Seller ay naging buyer at kung minsan naman ang Buyer ay ipinapakita ang katangahan?


Ito ang halimbawa:

1. Seller na naging Buyer

Buyer: Sir, available pa ba yung Honda civic?

Seller: Yap! Available pa!

Buyer: Ang alin?

Seller: Yung Honda Civic!

Buyer: Yes, still available!


Huwaw naman! Buyer ka lang eh, naging Seller ka na! Aba matindee!!!

2. Tangang Buyer

Buyer: Sir, ano na pala yung binibenta mo at magkano?

Seller: Iphone 6 plus, original, 35,000 pesos (fixed)

Buyer: Ano po ba ang sira at na fix niyo po?

Huwaw naman! Yung price daw fixed na ibig sabihin wala ng bawas at dagdag, at kailanman hindi naipaayos! Huwaw naman!!!

3. Kapwa Buyer

Buyer: Magkano po powerbank?

Seller: 300 pesos!

Buyer: Ang mahal naman! Pwede 100 na lang!?

Seller: Sige kung may ganito kang powerbank bilhin ko sayo ng 100 pesos!!!

Suplado ni Seller, sarap batuhin ng battery ng motor!!!

Ilan lang yan na mga convos ng mga Seller at Buyer na minsan sa ating buhay ay mae encounter natin!

Tandaan, masarap magkapera kung galing sa laway at pawis at sa malinis na paraan.

Teka, paano nga ba naging malinis yung laway at pawis??? NYak!!!

No comments:

Post a Comment