Thursday, July 31, 2014

Palusot sa school dot com

          Matutunghayan natin ngayon kung anu-ano ang mga palusot ng mga estudyante kung bakit sila nale-late or absent.

1. Mind-grain:

          Oo, alam kung utak gabutil ka pero kung magpapalusot ka ng rason mo, basa-basa muna ng dictionary or google gogle din pag may time. Naranasan ko din to minsan eh pero hindi ang utak gabutil na yan ha. Hahaha.

SAO: Bakit ka absent?
Student: May Mind-Grain po ako sir.
SAO: Hah????!!!!?????

          Ayan oh nagtaka ang student affairs office sayo kasi hindi nila mismo naintindihan yung sagot mo...

2. I need to SAW my unniform:

          Aah gets ko na!!!! Lalagariin mo muna ung uniform mo bago pumasok...Aba Matinde!!! Eh talagang male-late ka jan, kaw ba naman ang kumanta ng "Top of the World"--->carpenter.

3. I wake up late:

          Sabi naman kasi wag kang magpupuyat sa lamay. Ayusin mo din yung mga tense tense na yan, past tense future tense na yan.  Dapat makita mo lang yung labi ng namatay umuwi ka na agad ooops, wag mong kalimutang mag-Pagpag!!!

4. No taxi:

          Eto yung rason ng mga nasa siudad, wala daw taxi. Anong nangyari bakit walang taxi??? Taxi lang ba ang masasakyan??? Alam naming gusto mong mapabilis ang biyahe pero kung mag jeep ka dapat nagising ka ng maaga kaya wag mong i rason yang walang taxi.


          Tuturuan ko kau ng rason na walang makakapigil kahit ang presidente. Kung ito ang nirason mo, tiyak panalo.


  • Kung lalaki ka dapat irason mo- Diarrhea. Kesa naman pumasok ka eh kung nakatae ka sa room. Nakakahiya diba??!!
  • Kung babae ka dapat - Dysmenorrhea. Sino ang magtatangkang pumasok kung masakit talaga ang puson mo? Masakit talaga yan para sa mga babae-maintindihan ng mga prof na babae yan. 

          Kapag magpapalusot ka maliban sa 2 na binigay kong makakatulong sayo, be creative!!! Use your imagination kapag magpapalusot ka sa SAO...Goodluck!!!



Wednesday, July 30, 2014

Paano magiging Bawal???

          Tungkol ito sa mga "Bawal" ngunit paano magiging bawal kung mismong ang mga karatula ay hindi maintindihan. Minsan naman paano magiging seryoso ang isang karatula kung ito mismo ay nakkatawa. Ilan lamang ito sa mga karatula na aking babanggitin.

1. No Bandalism:

          Ayan!!! Paano susundin yang karatula na yan na nakalagay sa pader??? Ano yan bawal magpractice ng Banda??? O bawal magdala ng bandila??? Ang gulo talaga.. Paano magiging bawal yan???


2. Bawal magtapon ng Upos ng sigarilyo sa sahig, nagkaka-cancer ang mga Ipis:

          Hindi lang tao ang nagkaka-cancer pati ipis. Hahaha. Paano susundin yan kung nakakatawa at mukhang hindi seryoso. Paano magiging bawal yan???


3. Don't Full, just Push:

          Ang linaw ng isang ito. Bawal ang busog kaya kung papasok ka dito dapat gutom ka. alinaw naman na nakalagay ito sa pintuan. Paano magiging bawal yan???

4. Bawal Umehi dito, sa iba naman:

          Ang karatulang ito ay gawa siguro ng bisaya. Please wag kaung magtampo mga bisaya sakin ha. Kasi natawa lang talaga ako sa karatulang ito. Paano susundin yan ng mga tao kung hindi seryoso ito sa pagkakasulat? Paano magiging bawal yan???

5. Pu+ang ina, tumawid ka:

          Ayan oh, siya na mismo nagsasabi. Sige na wag ka nang mahiya. Pero kapag nasagasaan ka, wag mong isisi sa gobyerno ha. Hahaha.. Kapag namatay ka, punta ka lang sa LIBING Things, dun makakabili ng kabaong!!!


          Marami sa atin ang nagsasabi na masarap ang bawal, pero kung matalino tayo eh kahit nakakatawa man ang isang karatula or wrong spelling basta alam natin ang ibig ipahiwatig ng karatulang ito eh wag na tayong pasaway...

Tuesday, July 29, 2014

Botong-boto

          Pag-usapan naman natin ngayon yung bagay na may pakialam sa ating bayan-ang eleksyon. Madami kasing naglalabasang kandidato. Tong tatlong tong babanggitin ko ay palaging kumakandidato. Kaya ipagpatuloy mo ang pagbabasa dahil ilalantad ko na kung sino sila.


1. Vote WISELY:

          Lahat naman tayo ay kilala siya. Siya ang simbolo ng katalinuhan at kaayusan ng pagboto. Sa kasamaang palad, palagi siyang natatalo. Ano ba ang nagiging dahilan kung bakit siya natatalo. Una, siya yung tipong nangangandidato ng maayos. malinis siyang maglaro sa larangan ng halalan. Pangalawa, siya ay mahirap. Wala siyang sapat na yaman para mangandidato. Laway lang ang puhunan niya. Pangatlo, lagi siyang sinisiraan ng mga kalaban niya.


2. Vote BUYING:

          Siya yung palaging nananalo sa halalan. Gustong-gusto siya ng karamihan lalo na kapag last minute na ng pangangampanya. Napakayaman ng kandidatong ito. Siya ang kahulugan ng Boom Panes kasi panes ang laway nito dahil ang puhunan nito ay ang kanyang yaman. Napakarumi itong maglaro sa halalan. Kaya niyang bayaran ang bawat isa sa atin. Congratulations!!! Palakpakan!!!


3. Vote STRAIGHT:

          Ito yung walang pakialam sa kampanya kaya naman wala din akong pakialam dito. Wag na natin siyang pakialaman. Wala namang kwenta kung manalo siya or matalo siya.



          Ang pinupunto ko lang naman dito ay sa tuwing halalan natatalo ni BUYING si WISELY... Okay lang yan Wisely bawi ka na lang next time kung makakabawi ka. Para naman sayo BUYING, keep up the good work!!! Balato naman! Hahaha...

Monday, July 28, 2014

Pamahiing pamana

          Tayong mga Pinoy ay may sandamakmak na pamahiin. Tatanungin mo kung sinong nagsabi ng pamahiin n ayun, sasagutin ka ng "Basta, wala namang mawawala sayo eh" anong rason yan!!! Kaya ito ang ilan sa mga pamahiing lintik lang ang walang ganti.

1. Bawal magwalis pag gabi kundi mamalasin ka:

          Sino nagsabi? sasagot sila ng "Sabi ng matatanda" Hah!!! Kapag nakatapon ako ng asukal sa gabi ano hihintayin ko na lang bang mag-umaga? Hahayaan ko munang malanggam ako kasi nga sabi ng matatanda bawal magwalis. Tsk. Tsk. Tsk. Bakit hindi nila palitan yan ng "Okay lang ang magwalis sa gabi para maitaboy ang malas" Sinong nagsabi??? "Mga bata" Bahala na ngang pamahiin na yan....moving on.

2. Wag kang magsusuot ng Pula sa lamay:

          Aba! at may fashion sense din ang mga patay... hahaha.. May kakambal itong pamahiin na ito eh, dapat ang mga batang kamag-anak ng namatay dapat magsuot ng pula para hindi multuhin..awooooo...
Tapos bawal magsuot ng pula sa lamay, aba! Sino niloloko niyo??? Sinong nagsabi??? "Mga matatanda" Ewan ko sa inyo!!!

3. Ang pagreregalo ng arenola sa bagong kasal ay swerte"

          Ay kung ganyan din lang di inidoro na ang iregalo mo para lalong swertehin yang lintik na bagong kasal na yan!!! Ano kinalaman ng arenola sa kasal??? Sinong nagsabi? "Mga matatanda" Sino ba yang matatandang yan at kakausapin ko???

4. Malas ang bahay na naitayo sa ika-13 na petsa ng buwan:

          Napaka bias naman tong pamahiin na to!!! Ika-13 lang talaga hah, di ba pwedeng  ika-12 or ika-14??? Talagang ika-13.. Sinong nagsabi? "Mga matatanda"  Aba napipikon na ako sa mga matatanda na yan!!!

5. Kapag nakasalubong ka ng itim na pusa, malas daw:

          At pusa lang talaga, panu kung asong itim ba hindi malas??? Napaka mapili yang pamahiin na yan!!! Sinong nagsabi? "mga matatanda" tsk tsk tsk.. gusto kitang makausap...Pusa pa talaga ang napili, isusumbong ko kayo sa PETA at PAWS!!!

6. Ang pusa ay may siyam na buhay:

          Ang pusa ay may siyam na buhay at ang aso ay isa lang ganun!!!??? Unfair naman ata yan... buti pa ang tao may tatlong buhay-public life, private life at secret life..hahaha.. nailusot ko lang.. balik tayo sa pusa na yan!!! sarap gawing siopao.. pero bakit nga ba may siyam na buhay??? sinong nagsabi? "mga matatanda" lintik na matatandang yan, gusto ko na talaga silang makilala...

          Ilan lang ito sa mga pamahiin na balak kong talakayin sana nag-enjoy kayo... Wala namang masama sa pagsunod sa mga pamahiin pero isipin din natin kung minsan ung logic nito... gamit din ng utak minsan anoh!!!

Sunday, July 27, 2014

Kasabihang sabi-sabi!!!

     Firstly, talagang sinimulan sa "Firstly" hahaha. ang title po ng blog na ito ay "Seriously Funny" ano ba ibig sabihin nito kasi parang nakaka bloplaks lang eh! Seryoso tapos Nakakatawa??? Pwede bang pag samahin yun??? Well, oo!!! Seryoso sa paraan ng pagpapatawa. Thats it!!!

     Ang unang episode ay sisimulan ko sa mga walang sawang "Kasabihan" na yan!!!

1. Kung may Tiyaga, may Nilaga:

          Wow!!! Kailangan kang mag-tiyaga para magkaroon ka ng nilaga. Hmmmm... Hindi naman sa lahat yan applicable eh! Dapat nilagay nila jan- Kung may tiyaga ang ilan, may nilagang matitikman. Yun dapat, kasi madami na sa atin ang nagtitiyaga na lamang tapos hanggang ngayon eh wala pang nilaga. Sino ba nag sabi niyan??? Malamang nakatikim na ng nilaga yan!!! Hahaha.. Ginawang literal...

2. Daig ng maagap ang masipag:

          Ang isang to para tanga lang!!! So kung i cocompare mo to parang Punctuality vs Hardworking!!! Ang sabi mas nakakalamang ang Punctuality kesa sa Hardworking. Dapat pala lagi akong maaga kahit na tamad ako, kasi nakakalamang pa rin ako sa mga masisipag..Hahaha.. Hmmmm.. magawa nga minsan to..

3. Kapag may isinuksok, may madudukot:

          Ah sure ako yung gumawa dito taga Maynila- taga Divisoria..Hahaha.. Dami kasi doong mandurokot eh! Ang ibig sabihin kasi nito dapat mag-ipon ka, mag-ipon ng semilya.. iba iniisip mo! Aminin!!!

4. Kapag Binato ka ng bato, batuhin mo ng Tinapay:

          Ito yung manlolokong kasabihan. Nung bata pa ako bato ako ng bato wala namang namimigay ng tinapay. Hanggang sa paglaki, bato pa rin ako ng bato. Hoy!!! Iba iniisip mo nanaman- ano yan, PDEA???
Batogan ang ibig kong sabihin... Penge ng tinapay!!!

5. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo:

          Patay na ba??? Nagcoconcert pa nga eh!!! Pumupuno pa ng Araneta!!! hahaha... Kaya pala nauso ang drugs nung una kasi yan ang hilig nilang kasabihan- DAMO in short Cindy, Mary, Jane, Marie, Juana.. gets mo??? kung hindi, alugin mo ung ulo mo ng mataktak ung utak mo!!! Peace!!! Hahaha...

6. Kung may itinanim, may aanihin:

          Bravo!!! Saludo ako sa mga magsasaka, kung literal. Pero parang nasa number 5 din yan eh... magkadugtong lang sila..hahaha oh baka naman nasa number 3 din yan... Nagtanim ka ng ano  tapos balang araw may ano ka na tapos mag anohan nanaman tapos magtanim ng ano ulit... nakaka-ano!!!

          Marami pang kasabihan pero di ko na babanggitin lahat! Pwede ba ilagay yung "Kahit walang ipon, basta may Iphone"? Hehehe....

          Maraming salamat sa pagbabasa at sana pagpalain ka NIYA!!!