Paano nga ba magbasa ng text? Minsan kasi hindi na natin nababasa o naiintindihan ang mga text lalo na ang mga text ng kabataan. Sila na ata yung may sariling vocabulary kapag nagtetext. Ito na kasi ang gamit ng mga kabataan ng makabagong panahon. Basahin mo ang ibang mga text nila na aking babanggitin.
1. Nkklk:
Ano ba ibig sabihin ng text na ito? Ang sabi nila ang basa daw nito ay "NAKAKALOKA" bat kasi ang tipid naman sa text pwede naman i spell out... Kung ako magbabasa niyan ay "nelkklllk" ang hirap. Pero kung ang batayan ay yung text ng mga kabataan, pwede namang "NAKAKALAKI". Ewan ko na lamang sa text mo.
2. PEDE:
Ano to? PEDE-cab, PEDE-strian? O katapusan na at may sahod na. Hah? "PWEDE" eh bakit "W" na lang ang kulang tinanggal mo pa. Na-utal ka lang kaya PEDE na lang ang nilagay mo. So parang sounds like na lang. Ayusin mo naman wag kang magtipid sa text. mahal kaya ang texr, PISO kada text.
3. TOM:
TOM jones? TOMboy. oh simply TOM na pangalan ng lalaki? eh kung "TOMORROW" lang pala bakit TOM lang nilagay mo? Hmmmm. Di mo alam spell anoh.. aminin mo na. Oh sadyang tamad ka lang... Okay alam ko na, tamad ka nga. Ah shortcut na lang. Buti nga TOM nilagay mo kesa naman 2m. 2m? wow 2 million. milyonaryo na pala ako eh..hahaha
4. BZ:
Ah alam ko tong isang to. Bubuyog ano? Mali?? Eh ano to? "BUSY" eh ang layo eh. Ano naman ang pumasok sa kokote mo at busy ang basa niyan. Ganyan ka ba talaga magbasa ng text??? Kaya ba naging BUSY kasi magkatunog??Sige pababayaan na kita sa istilo mong ganyan.
4. JEJEJE:
Ang akala ko dito ay si 50 cent. JEJEJE-unit!!! Hahaha. Eh tawa mo pala ito eh. Bakit JEJEJE hindi HEHEHE na lang ang gamitin mo. Alam kong ang rason mo ay para maiba naman, pero kung ito ginamit mo eh JEJEMON ka na niyan diba!!? Sige na nga confirmed na. Jejemon ka nga.
5. NALA2MAN:
Sa una kong basa walang salitang ganito. Kailan ba nagkaroon ng salitang "nalatoman"? yun pala ang ibig sabihin ng salitang ito ay "nalalaman". Nilagay yung "2" PAGKATAPOS NG "la" para ulitin ito ng dalawang beses para basahin na "lala" kaya nagiging NALALAMAN. Eh kung ganyan ka pala magbasa eh, walang basagan ng trip.
6. MSRP:
Ito na ata ang mga text ng makabagong panahon. oh parte parin ito ng telegrama. Alam kong MASARAP ang ibig sabihin ng text na yan pero bakit ganyan? Tinanggal mo lang mga vowel kaya naging ganyan. Parte parin ng tipid sa text. eh kahit naman magtipid ka sa text PISO padin eh.
7. AQ:
Kung ako magbabasa niyan "Ahkyu". Pero it refers to "AKO" pala. Wow ha hanep na talaga ang pagbabasa mo.
8. PIPOL:
Pinalitang ng letrang "I" yung "EO" tapos pinalitan din ng "OL" yung "LE". masyadong komplikado. iba na talaga ang naiisip ng mga tao. Baka hanggang sa school gamitin yan ha.. Wag naman sana. Pakigamit na lang ang mga tunay na spelling ng mga salita wag po yang mga shirt cut na yan.
9. CUZ:
Ginagamit siguro ito sa paglalaba. Kasi dapat "cuz-cuzin" ng maigi para matanggal yung mantsa. Pero ginagamit ito ng karamihan short para sa BECAUSE. Pero hindi lang naman tayong mga Pinoy ang gumagamit nito. Pati si Uncle Sam ginagamit din ito.
10. W8:
Ito yung pinakagusto ko kapag nagtetext ako ng WAIT. kesa naman sa WT, baka mapikon lang ako dun kasi hinihingan ako ng timbang. Pakyuuuu!!! Hahaha. Karamihan ito ata ang gamit eh. Aminado naman akong ito ginagamit ko.
Sa panahon ngayon karamihan sa mga text na ginagamit ay yung mga binanggit ko sa itaas. Ang tawag diyan ay TEXTOLOG. TEXT na TAGALOG. Yan kasi ang ginagamit nating mga Pinoy, ikaw ba naman ang TEXT Capital of the World. May mga version din ng mga kano ng mga ganito tulad ng BRB-be right back, GTG-got to go, LOL-laughing out loud at marami pang iba. Malamang ganyan din sila magbasa. Ito ang halimbawa ng texttolog ko:
"Wat na gawa u? Bz k b? Ask k lng f nala2man b ng guy n my gus2 aq s knya?
Yan na ata ang halimbawa ng sagad na textolog. Eh ganyan tayo magbasa eh. Ikaw, paano ka ba magbasa???
No comments:
Post a Comment