Monday, August 4, 2014
Pinoy Slang
Marami sa atin ang magagaling mag salita ng mga banyagang lenguahe. Partikular na ang English. Magagaling ang mga Pinoy sa pagsasalita nito at yung iba naman nagmamagaling. Hindi namang masama mangarap magsalita ng English pero kung wrong grammar din lang, just keep it to yourself na lang. Yung iba naman sa sobrang pagsasalita ng English, na i slang nila. Halimbawa nito ay ang salitang "All of the AVOVE". Ayan nasobrahan sa slang. Hindi na tuloy alam kung alin ang "V" at "B". Yan ang Pinoy slang. Isa pa, ang salitang "Free to Flay", nalito din kung alin ang "F" sa "P", yang ang Pinoy slang. Ang iba kasi sa atin, jinajudge ang tao sa pagsasalita niya ng English. Kung may isang tao nagsasalita ng English, hinihintay natin yung ma wrong grammar siya o magkamali ng pagbigkas ng salita. Tulad na lang ng "To your LIFT". Hindi naman masamang kumaliwa pero malay mo dalawa ibig sabihin niyan, "yung elevator nasa kaliwa"..hahaha.. Marami pa akong halimbawa tulad ng "I will buy some FRISH FLOWERS for FETER" ayan ang pinaka da best na Pinoy slang... Pinoy na Pinoy... Inaamin ko, hindi din ako magaling magsalita ng English. Pero hindi naman masamang mangarap na makapag salita ng English....ayusin lang natin kasi ang kapwa Pinoy kapag nagsasalita ka ng English, inaabangan nila yung mali mo. Fault finder kasi tayo eh. kumbaga sa isang malinis na cocomband (Coupon bond) laging pinupuna yung tuldok. Kahit saan mo ilagay yung tuldok sa isang malinis na bond paper, laging napapansin yung tuldok... ganun tayong mga Pinoy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment