Friday, October 30, 2015
Laglag Bala Gang
May bagong modus ngayon sa isang sikat na paliparan sa Metro Manila at ito ang paglaglag ng bala sa inyong bagahe at sisingilin ka ng malaking halaga para hindi ka makasuhan.
Nagawa na nila ito sa ilang dayuhan at hindi pa sila nakuntento, ginawa din nila ito sa mga OFWs.
At dahil diyan, bibigyan ko kayo ng ilang tips para makaiwas sa ganitong modus.
1. Kapag nalaglagan ka ng bala sa iyong bagahe at sinisingil ka ng malaking halaga, kailangan tumawad ka, kasi kadalasan may discount yan.
2. Sabihing pangontra sa kulam yan.
3. Sabihing vibrator ito at kung sakaling tanungin kung bakit ang liit, sabihing "nakakakiliti kasi".
4. Tanungin sila kung bakit bala lang, asan yung baril?
5. Sabihing hindi bala yun, bomba yun nang sumabog lahat ng mga buwaya sa airport.
Paalala: ang mga tips na binigay ko ay puro kathang isip lang at walang katotohanan.
Thursday, October 29, 2015
#wagintindihinnakakalunod
Ito ang madalas kong ginagamit na HT sa FB na isang paalala na kung masyado mong iniintindi ang mga mensahe, lalo kang malulunod kaya dapat easy lang sa pagbabasa. Kadalasan unang basa lang nandun na yung ibig sabihin eh pero kung lalaliman mo, sumaklolo ka na. Hahaha!
Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin na parang baliw lang eh wala akong magagawa, mga PABEBE kasi kayo eh! Ayan oh #wagintindihinnakakalunod nanaman. Ibig kong sabihin, di ko kayo mapipigilan gaya ng mga pabebe girls.
Binubuo ko din pala yung mga datos sa HT ko sakaling makabuo ng libro na pwedeng i-download via Google Play gaya ng mga ebook ko na naka upload na.
Wednesday, August 19, 2015
Characters in MRT
Ang MRT dito sa Singapore ay isa sa mga modernong mrt sa buong mundo. Kung ikukumpara mo ito sa mrt sa Pilipinas...balik na lang tayo sa mrt dito sa Singapore.
Halos lahat ng tao dito sa SG ay sumasakay sa mrt dahil bukod sa mabilis na paraan ng pagbiyahe ay napakalamig pa sa loob at hindi ka gaanong kasiksik.
Sa aking pagsakay dito ay napansin kong may mga ibat ibang klase pala ng pasahero dito at para lalong maging mas creative ay papangalanan ko sila at bigyan ng character mula sa sikat na mga pelikulang ating napanuod.
1. Mala-Silver Surfer sa Fantastic Four
Sila yung mga pasaherong hindi humawak sa safety railings sa loob ng mrt, mas gusto yung nakabalanse lang sila at sila din minsan yung laging nakatingin sa kanilang phones. Kung sakaling matutumba na hindi pa rin hahawak yan bagkus babalansehin lang yung katawan nila na parang nagsusurfing.
2. Captain America
Wala namang espesyal sa mga pasaherong ito pero sila yung kadalasang naka backpack na hindi mo alam kung anong laman o anong gamit pero kapag nakasakay na ay nilalagay sa harap nila na para bang ginagamit na armor na gaya ni Captain America.
3. Professor X
Sila yung mga pasaherong walang ibang ginawa kundi pag isipan ng kung anu-ano yung mga nakikita nila sa loob ng mrt. Kumbaga talagang mind reader ang potah!
4. Cyclops
Sila naman yung matalim kung makatitig. Kung aakalain mo eh titirahin ka talaga ng optic blast. Huhubaran ka sa katititig- mega optic blast ang peg.
5. Quick Silver
Para sa hindi nakaka alam, si Quick Silver po ay ang counter part ni The Flash ng DC comics. Mabilis siyang tumakbo at ganun ang mga pasahero sa mrt na nagmamadaling tumakbo para maka abot habang bukas pa ang pinto ng mrt. Kailanman ay hindi sila naiipit sa pinto pero meron na din minsan. Ouch!!!
6. Steve Jobs
Sila yung mga pasaherong naka-iphone at hindi lang basta iphone kundi yung latest na iphone, naka-ipad o ipad mini at naka backpack ng imac. Napansin niyo pa? Ang forbidden fruit Apple na kumpanya ni Steve Jobs!
7. Curry
Sila yung pasaherong akala mo kung naglalakad na curry dahil sa amoy. Kadalasan, ang mga lahing Pana (Indian National para sa hindi nakaka-alam) no offense po pero bakit kapag sumasakay sila eh parang may bulsa palaging curry dahil sa amoy nila!
8. Exorcists
Sila yung mga pasaherong umiikot ang mata, kung anu-ano ang tinitignan at umiikot ang ulo. Kadalasan, tinitignan yung mga kasuotan, cellphone, lalaki, sapatos etc.
9. Fifty Shades of Grey
Sila yung magsyota na walang ginawa sa loob ng mrt kundi magharutan, maghalikan kulang na lang hihiga na sila at maglampungan.
10. Autistic
Sila yung pasaherong walang pakialam sa iba at may sariling mundo...autistic nga eh!!!
There you have it guys!!! Mga characters sa loob ng mrt! Ay wait... "The next station is Little India, ciao ing to" wala lang favorite ko lang kasi ito eh! Hahaha.
May isa pa akong favorite yung " berhati-hatindi ruang platform"
Well, alin kayo sa mga characters na nabanggit ko sa loob ng mrt?
Tuesday, August 18, 2015
Buy n Sell Convos
Ito ang usong negosyo ngayon- ang Buy and Sell. Bibili ka ng isang bagay sa murang halaga at saka mo ibebenta sa iba ng may patong.
Halimbawa:
Bumili ng Phone worth 5000 pesos, tapos ibebenta mo sa iba ng 5500 pesos;
Di kumita ka ng 500 pesos.
Pero gaya nga ng sabi ng iba trabahong tamad daw ito kasi laway lang ang puhunan.
Pero nakakita na ba kayo na ang isang Seller ay naging buyer at kung minsan naman ang Buyer ay ipinapakita ang katangahan?
Ito ang halimbawa:
1. Seller na naging Buyer
Buyer: Sir, available pa ba yung Honda civic?
Seller: Yap! Available pa!
Buyer: Ang alin?
Seller: Yung Honda Civic!
Buyer: Yes, still available!
Huwaw naman! Buyer ka lang eh, naging Seller ka na! Aba matindee!!!
2. Tangang Buyer
Buyer: Sir, ano na pala yung binibenta mo at magkano?
Seller: Iphone 6 plus, original, 35,000 pesos (fixed)
Buyer: Ano po ba ang sira at na fix niyo po?
Huwaw naman! Yung price daw fixed na ibig sabihin wala ng bawas at dagdag, at kailanman hindi naipaayos! Huwaw naman!!!
3. Kapwa Buyer
Buyer: Magkano po powerbank?
Seller: 300 pesos!
Buyer: Ang mahal naman! Pwede 100 na lang!?
Seller: Sige kung may ganito kang powerbank bilhin ko sayo ng 100 pesos!!!
Suplado ni Seller, sarap batuhin ng battery ng motor!!!
Ilan lang yan na mga convos ng mga Seller at Buyer na minsan sa ating buhay ay mae encounter natin!
Tandaan, masarap magkapera kung galing sa laway at pawis at sa malinis na paraan.
Teka, paano nga ba naging malinis yung laway at pawis??? NYak!!!
Sunday, August 16, 2015
Reporting
Panahon nanaman ng tag-ulan sa Pilipinas at kamakailan lang ay kakadalaw ng bagyo na nagdulot ng baha sa ilang bahagi ng bansa.
Pero napapansin ko lang sa mga balita eh hindi eksakto ang pagkakasabi.
Heto ang halimbawa:
Reporter: Uhm Mike, nandito tayo ngayon sa Malabon at ang baha ngayon dito ay hanggang beywang at sa ibang bahagi naman nito ay lagpas tao na!
Ganun ba? Eh kung hanggang beywang, beywang nino?
Kung lagpas tao, sino?
Baka kasi kung si Dagul o Mahal lang ang basehan eh hanggang tuhod ko lang! Hahaha
Anyways, mas maganda ang pagbabalita sana kung naglalagay ng tamang sukat.
Halimbawa:
Reporter: Mike ang baha dito sa Malabon ay may taas na 50 cm at 120 meters above sea level!
Naku, dugo agad ilong ko niyan!!!
Sunday, May 3, 2015
Love Story
Nalungkot nanaman ang mga Pinoy sa laban ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa kanyang laban kontra kay Mayweather kahapon.
Napansin niyo ba sa oaban nila ay palagi ang yakap ni Floyd kay Manny? Dahil dito, naisip ko tuloy na may gusto siya kay Manny. Hmmm...
Ang kanilang laban ay ang pinakahihintay ng lahat- kumbaga clash of clans na talaga eh!
Pero sana bumili na alng ako ng popcorn at coke dahil ang kanilang laban ay parang pelikulang love story gaya ng Twilight sa dami ng yakapan.
FLOYD, alam kong today is MAY and this is your WEATHER pero mas marami ka pang yakap kesa sa yakapan naming mag ama ng tatay ko ah.
Ganun pa man, panalo ka eh, mahina talaga si Manny sa track n field. Tsk tsk
Congratz anyway!
Friday, April 10, 2015
Badly Worst
Napakalungkot mang isipin na maraming hindi kaaya-ayang tignan o punan sa panahon natin ngayon. Maraming nagtatanong ano ba meron ang Pinas na wala sa iba? Hayaan niyong magbigay ako ng mga ilang dahilan kung bakit ang Pinas ay kakaiba-It's More Fun in the Philippines!!!
1. Poor vs Rich
Napansin mo ba kung bakit kahit anong trabaho mo, hindi ka man lang maka-angat sa kinalalagyan mo? The rich is getting richer and the poor is getting poorer. Ang sakit diba? Mahirap talagang umasenso dito sa sarili nating bansa pero kahit ganun pa man, masaya pa ring tumira dito- It's More fun in the Philippines.
Badly Worst: The only thing that creates WEALTH is through WEALTH itself! Di ka naman yayaman kung mahirap ka talaga eh, Yayaman ka lang kung meron ka na talagang nasimulan o puhunan.
2. Corruption
Ito yung sakit ng lipunan na hindi agad magagamot ng ano mang medisina. Nasa sistema na yan ng bawat bansa, hindi mo naman maiwasan ito eh! Yan ang dahilan kung bakit naghihirap ang Pinas. Kung makakupit ang ating mga gahamang pulitiko eh kala mo barya lang...hoy! Milyon na kaya binubulsa mo! Kahit na mag rally pa ang mga aktibista, wala pa ring mapapala at sa huli balik pa rin sa dating gawi na parang walang nangyari- It's More fun in the Philippines.
Badly Worst: Corruption is untreatable and the government is so dishonest! Palitan na nila yung ads ng mga pulitiko wag "No to Corruption" dapat "Less Corruption" baka tanggapin ko pa!
3. Media
Napapansin niyo ba kung bakit ang isang balita ay agad nang nawawala o napapatay? Yung tipong putok na putok ngayong Linggo tapos bilang nawawal? Iyan ay dahil sa kapangyarihan ng media. Sa sobrang dami ng tagline nila, hindi na kapani-paniwala. Kung tutuusin, kinokontrol na nila tayo dahil sa halos lahat ng tao sa mundo ay may access dito.
Badly Worst: Media has the power to make the innocent guilty and to make the guilty innocent, that is power because they control the mind of the masses. Oh diba tama naman! Sa dami ng mga source ng media akala natin nakaka-connect tayo pero sa totoo nadidisconnect pa nga tayo eh!
4. Vice Ganda World
Sino ba naman ang hindi matatawa sa mga banat niya sa tv at sa mga pelikula? Sa mga hindi nakakaalam nauna siyang lumabas sa mga comedy bars at nang kalaunan ay napapanuod na bilang host sa isang noontime tv show. Pero ang hindi niyo napansin, pinapaikot lang tayo nito sa kanyang mga mababangong salita. dinadaan niya lang sa mabulaklak na usapan para lang tangkilikin ang kanyang paraan ng komedya. Kailangan ba talagang manlait ng isang tao para mapatawa ang mga manunuod? Tapos sa huli sasabihan mo ng "I love you ate/kuya" ? Anong sense nun? SMH
Badly Worst: Patunay na ang mga Pinoy ay hindi lang tanga, oto-oto pa!
5. KathNiel Fever
Sino ba naman ang hindi makakaalam sa tambalang ito? Sila na ata ang sikat na tambalang para sa lahat ng edad at kasarian. Pero gaya din ni Vice Ganda, pinapaikot din tayo ng mga ito. Alam naman nating sa mundo ng showbiz ay puno ng kaplastican, natural lang iyon kasi tao din naman sila.
Badly Worst: Halos lahat ng social media sila na lang ang laman, pati mga balita sa tv sila na lang ang laman. Anyare teh? Kamusta naman ang mga kababayan nating naipit sa giyera? Mga kababayan nating naghihirap maghanap-buhay? Kamusta naman si PNoy? Kamusta naman ang Mamasapano? Kamusta naman ang BBL? Kamusta naman ang Ebola? Kamusta naman ang MErsCov? Kamusta naman si Napoles? Kamusta naman ang POrk Barrel? Kamusta naman ang Maguindanao? Oh sana naman natauhan ka na ngayon hah!?

Wednesday, April 1, 2015
Monday Thursday Frenzy
Ngunit napapansin niyo ba kung bakit Maundy Thursday ang tinawag nila sa banal na araw ng huwebes?
Ang salitang Maundy ay isang seremonya na kung saan si Hesus ay hinugasan ang mga paa ng mga mahihirap.
Sa kalaunan ang Maundy ay tinawag na ding "banal" o Holy Thusday.
Ano nga ba ang nangyari sa araw na ito? Dito nangyari yung tinatawag na "Last Supper" o huling hapunan nila Kristo at nang kanyang mga disipulo.
Sa panahon ngayon, hindi na nila alam ang tawag sa banal na araw na ito. Kadalasan ang tawag ng mga bata dito ay "Monday Thursday". Ayaw mo nun, dalawang araw agad nabanggit- Lunes-Huwebes. Hahaha!
Sunday, March 22, 2015
Clowns
Alam niyo ba na ang clown o payaso sa tagalog ay isang nakakatawang tagapalabas? Sila ay madalas gumawa ng mga slapstick performance para magpatawa, ganito din ang unang komedyang palabas nung una na pinasikat nila Charlie Chaplin.
Pero ang ilan sa atin ay takot sa mga payaso o may kondisyon na tawagin ay Coulrophobia. Madalas kasing ginagamit ang mga ito sa mga suspense o horror movie na kung saan ang mga payasong ito ay pumapatay.

Ang payasong ito ang kadalasang ipinapalabas sa ating mga telebisyon. Siya yung tipong pumapatay, kumikidnap ng mga batang papatayin. Sino ba naman ang hindi matatakot sa ganyang mukha. Tanginang mukha yan!
Ang karaniwang paniniwala natin sa mga payaso ay nagpapataya, nagbibigay ng sigla sa manunuod pero ang ilan talaga ay pumapatay. Pero hindi ang payasong ito ang may mas marami ng napatay.
Siya si Ronald Mcdonald-ang sikat na payaso sa likod ng sikat na fast food restaurant na Mcdonald. Ang hindi alam ng lahat, mas marami siyang napatay kesa sa killer clown na nasa itaas na larawan. Ang pagkain sa kanyang restaurant ay nakakadulot ng madaming sakit na siyang dahilan ng maagang pagkamatay ng ilan sa atin sa buong mundo. Sino ba naman ang makakatanggi sa mga produkto nitong ubod ng sarap.
Pero ano pa man ang sabihin ng ilan sa atin, Pap-pa-rap-pap-pap...Love ko'to!
Wednesday, March 11, 2015
Pick-up Line sa Liga ng Baketball
Usong uso nanaman ang mga paliga sa mga barangay ng basketball. Proyekto ito ng Sangguniang Kabataan o SK na madalas ginaganap bago mag piyesta ng patron ng barangay.
Paano kaya kung ang liga ng basketball ay naging isang malawakang pick-up line?
1. May sakit ka ba?
Bakit?
Hindi ka kasi magaling
2. Pagong ka ba?
Bakit?
Ang bagal mong tumakbo
3. Ref, bulag ka ba?
Bakit?
Hindi mo nakita yung foul
4. Pader ka ba?
Bakit?
Hindi kita mai-box out
5. Si Juan ka ba?
Bakit?
Ang Tamad mo
6. Puto ka ba?
Bakit?
Kasi sakit ng Siko mo eh! (puto se/iko)
7. Gutom ka ba?
Bakit?
PAti bola kinakain mo eh!
8. Anino ka ba?
Bakit?
Sunod ka ng sunod sa akin
9. Pusa ka ba?
Bakit?
Kung maka kalmot ka wagas
10. Buwaya ka ba?
Bakit?
Hindi ka nagpapasa tapos tatanungin mo pa kung bakit?
Ilan lamang ito na pick-up line na pwedeng gamitin sa liga ng basketball.
Monday, February 9, 2015
Sino Ba?
Kamakailan lang ay nasaksihan natin ang pagkamatay ng 44 SAF soldiers at ang madugong naganap sa Mamasapano ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung sino nga ba talaga ang nagkamali.
Hanggang sa pagdinig sa senado ay mapapakinggan mo ang kanya-kanyang palusot ng mga na-involve sa pangyayari.
Sino nga ba talaga ang may kasalanan?
Hanggang sa pagdinig sa senado ay mapapakinggan mo ang kanya-kanyang palusot ng mga na-involve sa pangyayari.
Sino nga ba talaga ang may kasalanan?
Siya ba (larawan sa itaas) ang may kasalanan? Pero ang sabi niya ang tanging role niya ay taga-advise lang. Pero hindi niya nilinaw kung "ADVISE or ADVICE".
Bueno kung hndi siya, sino?
Siya (larawan sa itaaas) ba? Ang natatandaan kong sinabi niya ay kung hindi si Marwan ang napatay magreresign na siya sa serbisyo. Pero hindi yun yung isyu dito, sino nga ba talaga ang may kasalanan?
Siya (larawan sa itaas) ba? 0
Siya (larawan sa itaas)
Sino nga ba? Sila ba? (larawan sa ibaba)
oh di naman kaya si Batman ang may kasalanan?
Pero kung sino man yan, malamang mapagtatakpan din lang ng may kapangyarihan. Ang isyu ba na ito ay kusa na lang mamamatay sa harap ng mga Pilipino o ikamamatay ng mga Pilipino na walang nangyayari? Mahirap talagang magsabi ng totoo at umamin sa isang kasalanan pero sana naman makonsensya ka sa pagkamatay ng 44 na sundalong nagsakripisyo sa ngalan ng kapangyarihan mo!!!
Thursday, January 22, 2015
Millionize Me
Ang million o milyon sa tagalog ay binubuo ng pito o higit pang numero at ang isang milyon naman ay binubuo ng anim na zero "0" at ng isa pang bilang- halimbawa 1.
Pero ilan nga ba sa atin ang nakakita na at nakahawak na ng isang milyon? Sa mga normal na tao na tulad ko ay kailan man hindi pa nakakita at nakahawak ng isang milyon sa buong buhay ko. Baka po may magbigay diyan ha!?
Maging ang ilang kababayan din natin sa larawan sa itaas, sa tingin mo nakahawak na din ang mga yan? Eh sa tingin mo nakakita na din sila (larawan sa itaas) ng isang milyon sa buong buhay nila? Sa tingin mo isang milyon ang kanilang iniisip o ang kanilang pagkain na siyang makakaraos sa kanila upang malagpasan ang isang araw na pamumuhay nila? Bakit nga ba tayong mga nasa ibaba ng poste ng pamumuhay eh kahit magtrabaho tayo araw-araw, hindi tayo makahawak ng isang milyon?
Bakit ang mga senador natin, parang barya lang kung banggitin ang isang milyon? Sa tingin siguro nila eh barya ang binubulsa nila, kahit pera ng bayan eh patuloy nilang kinakamkam. Pero madali lang namang kumita ng isang milyon eh.
1. Maging politiko
2. Magtayo ng sariling sekta ng relihiyon
3. Magkaroon ng limang trabaho sa isang araw
4. Mag-abroad ka at magboyfriend ng mayaman
5. Sumali sa mga patimpalak tulad ng larawan sa ibaba
Isang milyon ba kamo? Matulog na lang tayo, yayaman pa tayo!!!
Monday, January 5, 2015
What is Wrong with the Commercials?
Kung kayo ay may TV at nanunuod nito palagi, well alam niyo din ang "patalastas" na kung saan ang banggit ng iba dito ay "palatastas". Para hindi na malito, commercials na lang.
May napapansin ba kayo sa mga commercials ngayon? Parang pa-bobo na ng pa-bobo. Nawawala na ang sense, at may iba din namang commercials na matagal nang umi-ere eh parang tanga pa din.
Binase ko ang paglagay ng mga commercials na ito sa pagiging Epic nila at Fail nila. Isa pa, yung kadalasang naipapalabas lamang sa TV ang aking babanggitin.
At ang mga ilan nito ay ang mga sumusunod:
1. Red Horse Beer
Isang brand ng beer na may logo ng pulang kabayo at sa English tranlation nga ay "Red Horse"
Ang dating slogan nito ay "Ang lakas ng tama" na pinalitan ng "Ito ang tama"
Epic: Sa commercial nito, kahit na malakas ang tama eh parang hindi mukhang lasing ang mga tao, masaya pa rin sila kung titignan at buhay na buhay.
Fail: Dahil sa lakas ng tama, dapat ipinapakita nila na ang mga tao ay lasing na, nagsusuka at nagbabasagan ng bote.
2. Favorite Pinoy Snacks
Ilan lamang ang mga ito ang kinahihiligan ng mga Pinoy na kainin dahil masarap na, sadyang makukulay pa ang mga pakete nito na animoy nang-aakit sa mga mamimili.
Epic: Ang lalaki ng mga pakete, mukhang madaming laman. Nakakasilaw kasi ang mga commercials ng mga ito.
Fail: Ang laki nga ng pakete, kunti naman ang laman. Parang mas marami pa ata ang hangin kesa sa makakain mo. Sana oxygen o carbon dioxide na lang sana ibinenta nila.
3. Safeguard

Sino ba naman sa mga Pinoy ang hindi makaka-alam ng sabon na ito eh isa na ito sa mga lumang sabon na pinapalabas sa TV. Tanong lang, kapag ang sabon bang ito nalaglagsa sahig, madumi na? Kayo na po ang bahala!
Epic: It kills 99.9% of germs. Matagal na nilang sinasabi ito. Simula pa nang unang umere ito sa telebisyon.
Fail: It kills 99.9% of germs, anong nangyari sa .1%? Na bully? Biktima ng pork barrel? Corruption?
4. Domex
Ito yung pinaka da best na commercial kung labanan ng pagpuksa ng germs.
Epic: Pinupuksa nito lahat ng kilalang germs na nagdudulot ng sakit.
Fail: Punyeta kung pinupuksa nito lahat ng kilalang germs potah ipapakilala mo pa yung mga germs na ito? Wag ganun men. Sana, pinupuksa lahat ng germs period.
5. Family Rubbing Alcohol
Kung palumaan ng commercial, isa din ito sa mga lumang umere sa TV. Ginagamit ito ng karamihan at lalong-lalo na sa hospital mula noon hanggang ngayon.
Epic: Sino ba naman ang makakalimot ng slogan nitong "Hindi lang pampamilya, pang-sports pa!"
Fail: Eh panu yung magkaibigan, sa mga tindera, driver kung para sa pamilya at sports lang pala ito? Dapat sana sinabi nila "Family rubbing alcohol, para sa lahat!"
Ilan lamang ang mga ito ang may Fail commercials at ito din yung top 5 ko na nasa listahan ko ng Epic Fail commercials. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa.
Subscribe to:
Posts (Atom)