Wednesday, December 31, 2014

10 Levels of Drunkenness by Raldvie

Nitong nagdaang araw ay ginanap ang dakilang araw ng kapanganakan ni Kristo at kagabi naman ay ipinagdiriwang ang pagdating ng bagong taon. Sa mga okasyon na iyon, sino ba naman ang hindi makakaiwas sa pag-inom ng alak. Natural na sa mga Pilipino ang pag-inom ng alak sa mga okasyon ngunit kung meron man silang pinaghahandaang okasyon para sadyang malasing, ito ay ang pagdating ng bagong taon.

Ibabahagi ko ngayon ang 10 lebel ng pagiging lasing.

                                                    10 Levels of Drunkenness:


Level 1: Ito yung nakainom ka na at pa-chil-chill lang. Sumasabay sa agos, kung may nagpapatawa, tumatawa naman. Nakakatayo pa para kumuha ng yelo o nakakapag refill pa ng pulutan. Paminsan-minsan din nagyoyosi.

Level 2: Medyo uminit ang pakiramdam, yung iba pinagpapawisan. Medyo chillax, sumasabay sa agos, nakakatayo din para kumuha ng yelo at nakakapag refill din ng pulutan. PTB siya kung minsan- Pretending To be Busy.

Level 3: Chillax pa naman siya pero napapadalas ang pagyoyosi. Dito na pumapasok yung tantalizing eyes pero iilan lang ang nakakapansin nun.

Level 4: Lumalakas ang pagtawa niya para masapawan ang pagsapi sa kanya ng kalasingan. Meron pa rin siyang Tantalizing eyes. Nagiging sniper na din siya, may laman ang bawat titig. Malakas na ang loob humingi ng yosi kasi naubos na ang baong yosi.

Level 5: Dapat bigyan siya ng awkward award dahil biglang tumahimik. Kung datin tantalizing eyes, ngayon CHINITO. Kung datin umuupo lang siya mag-yosi, ngayun tumatayo na para malabanan ang pagkalasing niya.

Level 6: Chinito at medyo tumataas na ang boses kung magsalita, akala niya siguro mga bingi kausap niya. Nakaipon ng lakas para lakasan ang boses niya.

Level 7: Hindi mo alam kung partido Nacional o Liberal o Democrats o Republican. Bawat nangyayari sa paligid niya ay corruption. Nagiging political analyst na siya. Nandun pa din yung pagka CHINITO niya.

Level 8: Kung kanina political analyst panglocal, ngayon pang international na kasi nagiging Uncle Sam na siya. English speaking ang potah!

Level 9: Biglang tahimik ulit, nakayuko na lang at minsan tumatango-tango. Yung iba, may imaginary friend na-kinakausap ang sarili. May mga ilan din na lebel na ito na naghahanap ng away at may mga ilan din na gustong gumamit ng ipinagbabawal na gamot para kontrahin ang kalasingan-diba parang tanga lang!?

Level 10: Armageddon, Apocalypse, hindi na talga kinaya- inilabas din ang potah! Sa lebel na ito parang nasapian na siya ni Akuma ng street fighter- Blackout Brrrrrrrrrrrrrr! Dapat na siyang ihatid o tapusin na ang inuman at bawi na lang sa susunod.


Ayan! Nasaang lebel kaya kayo nunbg kayo ay nagiinuman? Maraming salamat po sa mga readers at pagpalain sana kayo ng maykapal!!!

Wednesday, December 3, 2014

Hide and Seek

Malapit nanaman ang pasko at speaking of Pasko, kakambal niyan ang regalo. Ito rin ang pagkakataon ng mga ina-anak nating lumapit sa atin para sa kanilang pamasko. Dito din pumapasok yung kahit matatanda na eh nakikipaglaro ng tagu-taguan-isa na ako doon.

Ang mga ilan sa aking babanggitin ay ang pwedeng i-rason tuwing pagsapit ng pasko.

1. Iwasan ang paggamit ng ano mang klase ng social media kung saan pwede kang ma reach ng mga ina-anak mo para makaiwas ka sa pamasko.

2. Mag-suplado ka nang sa ganun maiwasan kang hingian ng pamasko.

3. Mag-lasing ka nang malakas ang loob mong sabihing wala kang maibibigay na pamasko sa mga ina-anak mo.

4. Magbakasyon ka malayo sa mga ina-anak mo.

5. Magkulong sa bahay at i-bilin sa mga kapitbahay kung may naghanap sa iyo sabihing nasa Boracay ka.

6. Lumabas lang ng gabi.

Ilan lamang yan sa mga pwede mong gamiting dahilan para maka iwas sa mga pamasko sa mga ina-anak.  Ako nga nagamit ko na lahat yan, pero HINDI EFFECTIVE. Baka umepek senyo, gamitin niyo.

Wednesday, November 26, 2014

Bonifacio Day


Alam niyo ba na si Andres Bonifacio ay dating nasa 5-peso bill? Maliit man ang mga halaga ng mga iyan ngayon pero malaking bagay na yan nung nakalipas na panahon.

Dahil malapit nang ipagdiwang ang Bonifacio Day, siya ang magiging topic ko ngayon. Idol ko kaya to!!!

Siya si Gat Andres Bonifacio- ang ama ng Rebolusyunaryong Pilipino at pinuno ng himagsikan laban sa mga kastila. Maraming nagtatanong kung papaano ba talaga siya namatay? Pero ang tanging makakasagot niyan ay walang iba kundi...siya! Pero maraming naglalabasang kuwento at kuro-kuro kung paano siya namatay, hayaan na lang natin ito sa mga Historians, dami ko kaya problema tapos ito pa! Naku wag na!!!


Sino ba naman sa inyo ang hindi makakalimot nito? Ang mga huling nakaabot nito ay ang mga batang isinilang ng 80's at early 90's. Naabutan ko pa dati ito, ang purpose ng pera noon kaya iba-iba ang hugis at sukat ay para sa ganun madaling marecognize ng mga bulag. Sa papel na pera nga lang magkakatalo kasi iisa naman ang hugis at sukat eh!

Hanggang sa ngayon, ipinaglalaban pa din ng mga ilan ang pagiging pambansang bayani ni Andres Bonifacio ngaunit sabi ng iba mas madami daw kasing nagawa si Jose Rizal kesa sa kanya kaya mas deserving si Rizal, isa pa wala naman daw naipanalong digmaan si Bonifacio eh! Matapang lang siya kahit putulin ang kamay hindi atakbo!!! Gets mo na???


Saturday, October 25, 2014

White Lady


Sakto pang halloween ang blog ko for today! Ang white lady!!! Sinasabi nila na ang white lady daw ay isang kaluluwang ligaw na parang traffic sa EDSA- hindi makapagmove-on at patuloy na nagmumulto at humihingi ng hustisya sa pumatay sa kanya.

Sa Philippine urban legend, ang white lady daw ay kadalasang nakikita sa isang sikat na lugar-ang Balete Drive. Ang mga taxi driver daw ang kadalasang biktima ng white lady na ito dahil sabi nila na ang pumaslang daw sa white lady na ito ay isang taxi driver kaya dito siya madalas magpakita.

Pero alam niyo ba na may mga ibat ibang kulay na ito dito sa atin- white, black at red lady. So dapat, colorful lady na ang itawag natin sa mga ito. Kapag nakakita ka daw ng isang white lady ay pinaniniwalaang may third eye ka. Pero mag-ingat ka sa pagkakaroon mo ng third eye dahil kapag nakita mo ang mga ito, makikita ka din nila!!!

Pero pansinin mo kapag nakakita ka ng white lady, hindi naman talaga ito white eh, kundi dirty white. Hahaha!

Eto ang senaryo:

Pedro: bro, may white lady oh!

Juan: hindi naman white eh! Dirty white!

Hah!? Kailangan pa bang maniguado kung white or dirty white ang kulay ng suot nito? Kung ako sa yo tumakbo ka na lang! Hahaha! Multo na yan eh!

Monday, September 22, 2014

Ang WIFI, bow!

Ang wifi short for WIreless FIdelity ay isang paraan ng pagkonekta sa internet ng mga computers, smartphones at iba pang gadgets sa isang partikular na lugar o sa nasasakupang signal. Ang tunay na tawag dito ay WLAN o wireless local area network. Makikita ito sa mga establishments na kadalasang pinupuntahan ng karamihan tulad ng mga fastfood restaurants, hotel, coffee shops, library at marami pang iba. May mga free WIFI at ang iba naman ay naglalagay ng password para maging exclusive sa kanilang customer.

Ang iba naman ay kailangang mag-avail ka muna ng produkto nila at ibibigay sa iyo ang password ng kanilang WIFI. Marami na ngayon sa kabahayan ang may WIFI. Isa na rin itong bagay na ipinagdadamot ng ilan tulad ko. Naglalagay ako ng password para ang mga circle of friends ko lang pwedeng magkonek sa internet ko.

Ginagamit na din ito bilang quotes tulad na lamang ito "Ang tunay na kapitbahay, walang password ang WIFI" Kailangan naman kasi talagang maglagay ng password dahil kung free ito, madami ang makakakonek at siguradong babagal ang internet mo. Ako nga mismo, pinapalitan ko ang aking password every two weeks para siguradong walang makaka hack ng password ko. Pero hindi ito ibig sabihin na hindi ako isang tunay na kapitbahay ha. Hahaha! Naniniguro lang!

Sunday, September 21, 2014

Ano Bang Meron sa Tenga


Ang ating tenga ay isa sa mahalagang parte ng ating katawan. Dito matatagpuan ang senstidong pandinig at balanse ng katawan. Nararapat lamang itong linisin at pangalagaan. Iwasan naman natin ang palagiang paggamit ng earphones at headset para hindi tayo mabingi. Mahalaga ang parte na ito ng ating katawan bilang balanse at pandinig pero bakit ang iba, may sadyang gamit pa ito.



Ang iba ginagawa itong alkansiya o pitaka. Nilalagay nila ang kanilang barya sa loob ng tenga. Magandang paraan ito para itago ang basya niyo pero sana naman naglinis kayo ng tenga para kapag ipinagbili niyo yung barya niyo, wala namang makitang dilaw. Pasintabi na lang sa mga kumakain.


Kung ang iba ginagawang pitaka ang tenga, yung iba naman ginagawang cigarette case o di naman kaya ay pencil case. Ayan o iniipit lang nila. Akala niya siguro mukha siyang astig niyan! Mukha kang tanga ulol! Hahaha.

Ano bang meron sa tenga? Ayan ang kasagutan-pitaka at cigarette case. Mukhang tanga, pero astiiiig!!!

Tuesday, September 16, 2014

The Man with Many Faces


Si John Christopher Depp II o mas kilala sa pangalang Johnny Depp ang isang hollywood actor na may ibat ibang role na ginampanan. Naging isang barbero-take note barbero ha hindi babaero, pero malay mo noh? Hahaha, Author, Serial Killer, Chocolate maker, assasin, pirata, turista, robber, indian, astronaut, joker, tranny, psychic detective, greaser, pusher, lasinggero, baliw na umiinom ng tea. Ilan sa mga yan ang naging role niya at bawat role na ginampanan ay talagang naipakita niya ng mabuti at tumatak sa kanyang pagkatao.

Isa sa kanyang mga pelikula na talagang tumatak sa akin ay yung naging isang assasin siya sa pelikulang "Once upon a time in Mexico" kung saan kasama niya sina Antonio Banderas at Eva Mendez. Kaawa-awa ang nangyari sa kanya dito dahil nabulag siya, dinukot ng mga sindikato ang kanyang mata.

Bawat isa sa atin ay siguradong gusto siyang makita at makilala. Pero ako, ang gusto ko ay maka-selfie siya. Potah the best kaya yun at siguradong asteeeeg!!! Iba talaga kapag Johnny Depp na ang maka selfie mo noh!!!

Monday, September 15, 2014

Mata ng Bagyo


Kahapon lang ay naranasan natin ang bagyong si "Luis" o may banyagang pangalang "kalmaegi" na naranasan ng hilagang Luzon. Dito mismo sa lugar namin sa Pangasinan ay nakaranas ng babalang may bilang na 2. Ang dulot nito ay magdamagang ulan. Sa loob mismo ng bahay namin ay umulan din. Madaming butas eh! Hahaha.

Alam niyo ba na ang bagyo ay may MATA? oo, at sa mata ng bagyo ay wala kang mararanasang lakas ng bagyo. Sa tabi ng mata ng bagyo ang may pinakamalakas na pagbugso lalo na sa kanang bahagi ng mata ng bagyo.

Ang pinakamalakas na bagyo na naranasan dito sa Pilipinas kapag ang basehan ay ang modernong kagamitan ay si typhoon Haiyan o kilala sa pangalang "yolanda". Nasalanta ang ating kababayan sa Leyte, partikular na sa Tacloban at mga katabing bayan. Nagdulot naman ito ng 15 oras na pag-ulan sa Baguio City. Sinasabi ding ito ang pinaka basang bagyo dahil sa dulot nitong malawakang pag-ulan sa bansa.

Kung may mata ba ang bagyo, nabubulag din ba ito? Sana nga! Hahaha!

Sunday, September 14, 2014

Sino nagturo sa iyo???


Sa Pilipinas, 5 million ang namamatay dahil sa pag-inom ng alak at 320,000 katao ang mga nasa edad 15-29 ang namamatay dahil sa pag-inom nito, kasama ang mga naaaksidente dahil sa kalasingan ayon sa isang nagsasagawa ng survey.

Masarap naman ang uminom ng alak paminsan-minsan pero kapag nakasanayan na ay nakakasama na sa kalusugan. Ang isang sakit na maidudulot ng pag-inom ng alak ay ang sakit sa atay. Madaming kabataan na din ang nahuhumaling sa pag-inom nito dahil halos lahat ng tindahan ay may binibentang alak at nagiging accessible na ito sa lahat.

Sino nga ma ang unang nagturo sa iyong uminom? Ang tatay mo? Kaibigan mo? Barkada? Tropa? Pinsan? Kapatid? Tindera? Kaklase? Hindi na mahalaga yun! Huwag lang nating gawing bisyo ito, uminom tayo sa kaya lang ng katawan o kaya ay katamtaman lang o mas mabuti huwag na lamang tayong uminom. Ika nga sabi ni Eddie Garcia "Everything in moderation" kumbaga uminom tayo ng sakto lang dahil lahat ng bagay na sobra ay nakakasama.

Payo ko lang sa mga umiinom, ilagay ang alak sa tiyan at huwag sa ulo. Huwag din tayong mag-drive kapag naka-inom at huwag na huwag ka ding mag Facebook kapag nakainom baka kung ano pa ang mai-post mo.

Isa pa, itigil na ang ALS Ice Bucket Challenge na yan, nauubusan kami ng yelo eh!!!

Saturday, September 13, 2014

Sino nagturo sa iyo???


Masarap nga naman ang mag-yosi. Nakakawala ng stress, magiging katanggap-tanggap ka na sa grupo at mukha kang astig kapag naka subo ka nga ng yosi. Pero kung mapapansin niyo, pabata ng pabata ata ang mga taong natututong mag-yosi. Base sa aking experience nung kami ay nagtitinda pa ng isang sari-sari store, may bumibiling isang bata sa akin ng yosi pero nasa edad 12 lang siya. Kaya hindi ko siya pinagbentahan. Grabeeee!!! Ang bata ha!!! Ang lufeet mo Teng!!!

Alam niyo bang 28% ng mga tao sa Pinas o 17.3 millionn katao ang nagyoyosi? Nasa edad 15 pataas ito ayon sa isang kilalang nagsasagawa ng survey. Malaking bawas din ito sa bansa natin kung sakali. Hahaha. Pero sa dami ng batas na ipinatupad ng mga mambabatas natin, hindi pa rin kayang tupukin mismo ang mga nagyoyosi sa bansa. Eh paano, mismo ata ng pinakamataas na posisyon ng ating bansa eh gumagamit din nito. Ahem! Excuse me po!

Pero matanong ko lang, sino nga ba ang nagturo sa iyong magyosi??? Aber!!! Alam mo bang madaming sakit ang maidudulot nito? Tulad ng Lung cancer, COPD, sakit sa puso, diabetes, hypertension, sakit sa mga ugat, sanhi ng pagkabulag, oral cancer, throat cancer, ulcer, sakit sa bato, at ang pinakamalubha- KAMATAYAN!!!

Ngayon, ituturo mo pa ba ang pagyoyosi mo sa iba??? Kung "OO", ABA MATINDE KA TENG!!!

Friday, September 12, 2014

Sen. Miriam is Back!!!


Kamakailan lang ay nakita nating bumalik si Sen. Miriam at nagpakita sa isang hearing. Unang pagkakataon niya itong lumabas at nagtrabaho mula nong inamin niyang nagkaroon siya ng Stage 4 Lung Cancer. Makikita niyo sa unang pasok niya pa lang sa trabaho ay bumanat na agad ang mighty senator. Ibinato niya ang isang papel sa harap ng mga kapwa senador sa isang forum. Ibang klase talaga tong senador na ito.

Nung nawala siya panandalian sa tv ay namiss natin ang mga banat niyang mga pick-up line o kilala sa tawag na Sen. Miriam Pick-up line. Ang isa sa kanyang pick-up line na hinding hindi ko malilimutan ay ang "Kapag nagtapon ka ng basura sa ilog, tawag doon ay pollution, kapag ang mga corrupt na official ang itinapon mo sa ilog, tawa doon ay solution." sino ba naman ang hindi makakalimot sa isang work of art na pick-up line na yan na isang patama sa mga corrupt at magnanakaw na politiko?

Umikot din sa isang klase ng sicial media ang isang video niya na nagsasabing gumagaling na siya dahil sa iniinom niyang "wonder pill" at 80% cancer free na! Magandang balita ito sa atin dahil malalagyan nanaman ng paminta sa niluluto ng mga senador. Mabuhay ka Senador Miriam Santiago!!!

Siyempre sa pagbabalik niya, bumitaw agad ng isang matinding linya- "That is why God created the middle finger for those corrupt officials!!!" Aba matinde!!!

Thursday, September 11, 2014

Iphone 6 and 6 Plus


Kamakailan lang ay ipinakita na ng kompanya ng Appli ang bagong silang na pamilya sa linya ng Iphone- ang Iphone 6 at Iphone 6 plus. Ang Iphone 6 ay may mas malaki na screen kesa sa successor nitong Iphone 5, 5c at 5s. Ang screen size ng bagong Iphone 6 at Iphone 6 plus ay 4.7 inches at 5.5 inches ayon sa kanilang pagkakasunod. Lumaki man ang screen size nito ay hindi naman nag-improve ang kanilang camera. Nananatiling 8mp sa likod at sa harap naman ay 1.2mp. Mukhang hindi pa rin kayang talunin ang kalabang Android ng Samsung. Ang bagong Iphone ay hindi kayang makipagsabayan sa mga bagong labas na Android phones tulad ng Samsung galaxy s5, Note 3, LG G3, HTC M8 at Sony Xperia Z2.

Simula nang mamatay si Kumpareng Steve Jobs ay hindi na kayang makipagsabayan ng Iphone sa ibang phones sa mekado. Nagkukulang na sila ng imahinasyon, kulang sila ng pagkain ng mushroom. Hahaha.

Gaya nga ng sinabi ni Joey De Leon na may bagong Typhone na dumating-ang Typhone 6 at 6 plus (imitating Iphone). Sa tingin ko hindi kayang higitang ng bagong bagyo ang ibang mga bagyong naglabasan ngayon.

Bago mo isipin ang Bagong Iphone eh Ipon muna bago ka makabili ng mga bagong smartphone. Bumili ka muna ng mga local brands like Cherrymobile, Skk, Ckk, Starmobile. Tangkilikin ang sariling atin at kapag ayaw mo, tangkilikin mo ang gawang banyaga. Okay lang naman yan eh, Its a free country anyway. Hahaha.

Wednesday, September 10, 2014

Middle Finger



Ano ba meron sa larawan na ito bakit kapag ipinakita ito sa tv ay kung hindi man naka-itim ay blurred. Marami ang nakakapuna sa gitnang daliri na ito na ang kahulugan daw nito ay bastos pero paano naging bastos eh daliri lang naman ito. Kapag hintuturo naman ang ginamit ay hindi siya naka-itim o blurred sa tv. Kawawang middle finger.

Saan nga ba nagsimula ito? Nagsimula ito sa panahon ng labanan ng England kontra France. Nong araw daw, magagaling na Archers ang mga taga England at naging bentahe nila ito laban sa mga taga France. Magagaling silang sa Archery dahil sa gitnang daliri nila. Dahil dito, kapag may nahuhuli silang mga Archers mula England, pinuputulan nila ang kanilang gitnang daliri at kapag may nakaligtas na Briton mula sa pagkakabihag, ipinapakita niya na may gitnang daliri pa siya to mock the French people. Ipinapakita niya na kaya niya pang pumana at malalagot ang Pranses sa mga Briton.

Napaka kulay ang mga pag-iisip ng mga tao at pati gitnang daliri ay binibigyan ng kahulugan. Pero alam niyo ba kung sino ang pinaka the best na nagsabi about sa Middle Finger? Si Sen. Miriam Santiago. Ayon sa kanya "God-created the middle finger for all the jerks in the government." Very classic talaga tong si Sen. Miriam.

Pero alam niyo ba na ginamit din ito ni Davao City Mayor na si Mayor Duterte? Yan din ang mensahe niya sa mga corrupt, magnanakaw sa kaban ng bayan. Kaya sa darating na eleksyon, magka running mate siguro itong dalawang ito. Sana nga, para hindi na takpan ang gitnang daliri sa tv. Hahaha

Tuesday, September 9, 2014

Breakfast o Fastbreak



Sino ba ang may ayaw ng TUYO? Ito yung all-time favorite ng mga Pinoy sa ibat ibang panig ng mundo. Yung iba nga kapag kumakain nito ay kumakanta pa ng "Happy Birthday Tuyo" hahaha. Lakas din ng trip. Ano ba ang masarap na terno ng paboritong pagkaing agahang ito? Siyempre Sinangag. Siyempre hindi mawawala ang paboritong sawsawan dahil mahilig ang mga Pinoy nito.

Sabi ng iba, masarap isawsaw ito sa suka na may bawang at medyo maalat-alat. Sarap naman anoh? Sa mga kapatid naman nating Bisaya, ang dakilang sawsawan ng Tuyo ay ang kanilang PINAKURAT. Wow! Sarap din nito. Pero kung ako ang tatanungin, okay na ako sa Kamatis lang na budburan ng kaunting asin. Sarap nun.

Pero may napapansin ba kayo ngayon sa tuyo? Hindi bat ang sampung piso ngayon ay kunting piraso na lang? Tama, nagmahal na din ang pambansang agahan ng mga Pinoy.

Para naman maiba- ano ang tawag mo sa isdang hindi nababasa? Ayan na oh yung sagot!!! TUYO!!!

Tuesday, August 12, 2014

Ipad gift to Granny

          Ito yung magandang i-regalo sa mga lolo at lola natin. Kapag niregalo mo ito, hindi sila mahuhuli sa panahon. Pero magugulat ka na lang kapag binalikan mo yung regalo mo eh para sa kanila iba pala ang gamit.

1. Ipad-Chopping Board:

          Namasyal ka sa bahay ng grannies mo tapos naabutan mmo siyang nagluluto. Normal lang na kamustahin mo siya. Kuwento dito, kuwento doon. Mayat maya tatanungin mo kung kamusta yung niregalo mong IPAD, sasagutin ka ng "Okay lang, very useful" pagtingin mo, dun siya nag hihiwa ng bawang sibuyas-lintik! Ginawang chopping board ang potah!!! Hehehe. Nice one lola- high five!

2. Ipad-Pillow:

          Pinasyal mo sila at kinamusta. Hahanapin mo tuloy kung nasaan yung gift mo sa kanilang Ipad sasabihin nasa kuwarto. Natuwa ka tuloy dahil sa tingin mo ginagamit nila ng maayos yung Ipad pero hindi. Tapos sasabihan kang kukunin niya sa kuwarto, sabayan mo para makita mo. Pagtingin mo ginawang unan. Bakit unan? Kasi sobrang lambot daw yung unan kaya inilagay niya sa ilalim at ayun saktong sakto sa kanya para makatulog ng maayos. Useful naman kasi yang Ipad sa kanya eh. Okay lang yan!

3. Ipad-Pamaypay:

          Namasyal ka ulit sa bahay ng grannies mo tapos pagpasok mo pa lang ay nagrereklamo na siya dahil ang bigat daw ng Ipad na binigay mong pamaypay niya kaya ayun galit na itinapon. Pagpulot mo ng Ipad daming basag. Paano na yan Teng??? Bilhan mo ng electric fan or aircon, wag Ipad.

4. Ipad-Mouse Pad:

          Namasyal ka ulit sa bahay ng grannies mo tinanong mo kung okay naman yung Ipad na regalo mo eh okay naman daw. Marunong naman kasi mag computer yung lola mo eh. Pag tingin mo nasa tabi ng desj top computer pero bakit ang daming gasgas. Tinanong mo siya kung bakit daming gasgas, sabi niya diyan na pinapatong yung mouse ng computer. Potah ginawang mouse pad! Pero useful naman sa kanya diba?

5. Ipad Disaster:

          Nagalit ka na sa lola mo kaya tinuro mo ang tamang gamit. Pinalaro mo siya ng Temple Run at medyo nakukuha naman niya. Na gets na niya kung paano gamitin yung Ipad. Iniwan mo na kasi okay naman na eh. Pagkatapos ng isang linggo, pinasyal mo siya at nagulat ka sa iyong nakita. Nanigas na siya kasi may sakit siya sa puso. Na heighten ang emotion niya eh may sakit sa puso tapos pinalaro mo sa kanya Temple Run pa, edi lalo siyang ma excite na naglalaro kaya ayun-BOOM Bangkay!!! Disaster tuloy dulot ng Ipad mo. Parang may amoy na din lola mo...


          Hindi porket high tech na tayo eh kailangan maging "IN" din ang mga lola natin. Nabuhay nga sila ng simple diba? Bigyan niyo sila ng mga bagay na kailangan nila sa bahay hindi ang anumang gadget, pero mas mabuti kung bigyan mo siya ng pagmamahal at pagaaruga para hindi masayang yang Ipad gift mo to Granny.

Monday, August 11, 2014

Klase ng mga Estudyante

          Ang segment na ito ay tungkol sa mga estudyante, kung anong uri ka nga ba bilang estudyante. Lahat naman tayo ay dumaan dito, ngayon malalaman mo na lang kung anong uri ka bilang isang mag-aaral. Kaya, kailangan mong basahin nang kabuuan ang kwentong ito.

1. Genius:

          Ito yung klase ng estudyante na naka salamin. Palaging may dalang libro at halos makita mo siya sa library, nagbabasa ng libro. Kung tanungin mo siya, halos alam niya lahat. May posibilidad na maging valedictorian, suma cum laude, magna cum laude basta may distinction. Ikaw ba naman ang matalino sa klase. Halos lahat gusto kang makatabi pero, masama ang ugali mo kasi kapag exam, ni hangin hindi makapasok at makita ang sagot mo. Ang damot mo naman! Kahit na matalino ka, hindi naman masaya ang life mo, bleeeeh!!!

2. Religious:

          Ito naman yung kapag hahalukatin mo yung bag, bibleo rosary ang laman. Tatabihan ka, kakausapin ka mayat maya sasabihan ka na ng bersikulo ng bibliya. Hindi naman masamang mangaral ng salita ng Diyos pero school to noh! Nag rereview ako. Dun ka muna sa school chapel kung merun man. Tiyak, paglaki nito madre. Bago mag-start ang class, sila yung nangunguna sa opening prayer. Sobrang tagal pa, ang sakit na ng paa ko na nakatayo. Amen na Amen please.

3. Lover Boy:

          Siya yung walang inatupag kundi magpa cute lang ng magpa cute. Kapag tinawag na mag recite sa klase, mag-aayos muna ng buhok, babasahin niya yung labi niya sabay sasagot nang may pakindat pa. Hindi mo nga lang alam kung tama yung pinagsasabi. Halos lahat ng babae, kakausapin niya at kung sino man ang mahuhulog sa kanya tiyak syota na. Siya din yung sa lahat ng subjects or klase katabi niya syota niya. Hindi na nagrereview dahil puros date lang ang inatupag. 

4. Sporty:

          Ito naman yung kinahuhumalingan ng lahat kasi varsity. Member siya ng kahit anong sports sa school. Malakas ang dating at puros pawis. Halos extra t shirt at sandamakmak na pabango naman ang laman ng bag nito. Speaking of bag- travelling bag ang dala-dala niya. Ang lakas niya sa larangan ng paligsahan pero sa klase-medyo boplaks. Pero hindi naman lahat ganun, mangilan-ngilan lang. Yung gusto palaging excempted sa exam kasi may laro. 

5. Likable/Sociable:

          Siya yung gustong kasama ng lahat. Masayang kasama, sakto lang. Medyo may alam sa klase at medyo sporty na lover boy. Street-smart. Walang awkward moment sa kanya. Mag-eenjoy ka talaga. Siya yung open ang papel kapag exam. Halos lahat din gusto siyang katabi sa klase dahil nagpapakopya. 

6. Band Member:

          Astig, palaging naka-itim at may hikaw na itim. Emong emo ang peg. Medyo weird nga lang sila. Sila din minsan yung antukin sa klase dahil sa kapupuyat nila. Kunti lang kapag magsalita. Pero hyper kapag band mates niya ang kausap.

7. Groupie:

          Sila naman yung grupo ng kababaihan or beki na sinasanto ang isang mag-aaral na gusto nila. Makikita sila halos sa lahat ng sporting events ng school dahil may sinusuportahang player. Sila din yung makikita mo sa mga event ng school band.

8. Computer Wiz:

          Ito yung magagaling mag-computer at kadalasang naglalaro sa comp shop. Dota experts tong mga to. Tingin nila sa kanilang teacher ay Sentinel or Scourge. Pagkatapos ng klase diteso sa comp shop. Sigaw to ng sigaw ng potah. Maingay di sa school at palaging topic si TRAXEX or URSA WARRIOR. Bahala ka na mag research sa mga nabanggit ko.

9. Loner:

          Gusto palaging mapag-isa. Walang paki-alam sa mga paligid. Basta pumapasa siya okay na. Pero pagdating sa bahay siya na yung pinaka maingay daming friends sa labas ng school. Palaging may pinagdadaanan kapag makikita mo siya. Wag mo na lang pansin tong gagong ito.

10. Anak ng Diyos:

          Kung halos lahat ay nakuha mo na, alam na! Anak ka na ng Diyos. Wala nang explanation.

          Ilan lamang yan sa mga klase ng estudyante sa school. Kung mapapansin niyo, wala akong nilagay na "BULLY", wala naman talagang bully eh, may issue lang talaga yang mga yan. Ngayon, alam mo na ba kung anong klase ka???


Saturday, August 9, 2014

Pinoy Addiction

          Maraming kina aadikan ang mga Pinoy lalong lalo na kapag ito ay usong uso. Ilan lamang ito ay ang aking babanggitin kayat ipagpatuloy mo na ang pagbabasa baka isa ka din sa naging adik dito.

1. Friendster:

          Bago nauso ang mga nagliparang social media ngayon ay nauna pa itong Friendster. Parang ito din dati yung basehan ng pagkakaibigan at kapag wala ka nito hindi ka "in" or pasok sa madla. Kapag meron kang nakilala, unang tinatanong dati kung meron ba siyang Friendster. Naging paligsahan din dati ito dahil paramihan ng friends. Masaya din itong gamitin dati dahil yung profile mo pwede mong gawan ng background sounds with different kinds of wallpapers and more. Maraming mga Pinoy ang sadyang na adik dito at inaamin kong isa din ako dun.

2. Facebook:

          Ito yung successor ng Friendster. Mortal na kaaway ng Friendster. Nang dahil dito, nakalimutan na ang friendster. Iba kasi ang pasok talaga ng Facebook. Maraming application games dati dito kaya daming nahumaling sa social media na ito. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa Farmville, Fishville at marami pang iba. Kapag FB ang naging usapan, eye opener yung farmville kesyo nagharvest ka na ba o napaluwang mo na ba yung lot mo mga ganung tipo. Ito din yung long standing na uri ng social media at sadyang nakalimutan na ang friendster. Mas user friendly na kasi ito kaya hanggang sa ngayon ay ito pa rin ang ginagamit ko.

3. Twitter:

          Kung mas sosyal ka naman at palaging gustong updated sa mga friends at idol na mga artista, dito ka sa Twitter. Ito yung kakambal ng Facebook. Ang tawag ko dito ay BOSO-cial media. Dami kasing mga namboboso ng profile mo. Gamit ko din ito para updated sa mga friend kong writers and authors. Dito nila ako tinutulungan.

4. Instagram:

          Kung mahilig ka naman sa Pictures tapos edit tapos share. Ito ang bagay sayo. Mas komplikado nga lang ito kesa sa FB at Twitter. Hindi ito pwede sa mga nagmamadali. HIndi ko ito ginagamit dahil wala naman akong pakialam sa mga photo editing. Hahaha

5. Apple:

          Ito yung trend na phone. Halos lahat gustong magkaroon nito at makikita mo ito sa mga adik sa apple dahil halos lahat na ata ng product ng apple merun siya-Macbook, Ipad, Iphone, Ipod at Iwatch---Ikaw na teng!!! Magkaroon ka ba naman ng lahat ng Apple products, ABA MATINDE!!!

6. Android:

          Kung hindi maka avail ng Apple, android na lang. fanatic ako ng android dahil mas user friendly ito kesa sa apply. Sa totoo lang, nakakalula ang mga nagliparang android phones ngayon.

7. Loom Bands:

          Pinasikat ito ni Ryzza Mae Dizon at na feature sa KMJS (Kapuso Mo Jessica Soho) Halos lahat na ata ng parte ng palengke nagbebenta nito. Nakakatuwa naman kasi talaga ang outcome nito kapag nakagawa ka. Sadyang makukulay ang itsura at nakaka ingganyo. Pero payo lang, ingat sa pagbili ng peke ha. Madaming peke nitong nagliparan ngayon sa merkado.

8. Youtube:

          Halos na ata ng gusto mong malaman nandito na sa Youtube eh. Kaya naman halos lahat ng nag nenet ay dito pumupunta sa site na ito. Payo ko lang sa mga kabataan, wag masyado nuod ng nuod, basa basa din pag may time.

9. Fliptop:

          Sikat ito na rap battle na makikita sa youtube. Sa totoo lang adik ako dito eh. Lagi kong inaabangan yung mga  bagong battle. Siyempre sino pa ba ang hindi makakalimot sa mga sikat na rap battler na sina Loonie, Abra, Batas, Smugglaz at marami pang iba. Pero may edad ang pagnuod dito ha kasi explicit ang mga lengguahe minsan dito eh.

10. Application games sa Apple or Android:

          Kapag may bagong laro sa phone gusto ng lahat laruin din ito. Sino ba senyo ang nakakaalala ng Flappy Bird, Angry Bird, Temple Run at marami pang iba. Aminin niyo naging adik din kayo dito sa paglaro. Kasi ako, aminado eh.Hahaha. Walang magtatawag ng PDEA ha kasi ibang addiction ang binabanggit ko dito.


          Ang lahat ng ito ay naging Pinoy Addiction. Marami pang ibang kinahuhumalingan natin at ilan lamang ito sa mga iyon. Payo ko lang dapat alam niyo ang mga responsibilidad niyo sa buhay bago kayo mag adik sa mga nito. Usisain ding maigi ang mga bagay bagay at wag basta mahumaling sa mga ito. Ano nga ba magagawa ko eh Pinas ito. ITS A FREE COUNTRY!!!

         

Friday, August 8, 2014

Paano magbasa ng TExt?

          Paano nga ba magbasa ng text? Minsan kasi hindi na natin nababasa o naiintindihan ang mga text lalo na ang mga text ng kabataan. Sila na ata yung may sariling vocabulary kapag nagtetext. Ito na kasi ang gamit ng mga kabataan ng makabagong panahon. Basahin mo ang ibang mga text nila na aking babanggitin.

1. Nkklk:

          Ano ba ibig sabihin ng text na ito? Ang sabi nila ang basa daw nito ay "NAKAKALOKA" bat kasi ang tipid naman sa text pwede naman i spell out... Kung ako magbabasa niyan ay "nelkklllk" ang hirap. Pero kung ang batayan ay yung text ng mga kabataan, pwede namang "NAKAKALAKI". Ewan ko na lamang sa text mo.

2. PEDE:

          Ano to? PEDE-cab, PEDE-strian? O katapusan na at may sahod na. Hah? "PWEDE" eh bakit "W" na lang ang kulang tinanggal mo pa. Na-utal ka lang kaya PEDE na lang ang nilagay mo. So parang sounds like na lang. Ayusin mo naman wag kang magtipid sa text. mahal kaya ang texr, PISO kada text.

3. TOM:

          TOM jones? TOMboy. oh simply TOM na pangalan ng lalaki? eh kung "TOMORROW" lang pala bakit TOM lang nilagay mo? Hmmmm. Di mo alam spell anoh.. aminin mo na. Oh sadyang tamad ka lang... Okay alam ko na, tamad ka nga. Ah shortcut na lang.  Buti nga TOM nilagay mo kesa naman 2m. 2m? wow 2 million. milyonaryo na pala ako eh..hahaha

4. BZ:

          Ah alam ko tong isang to. Bubuyog ano? Mali?? Eh ano to? "BUSY" eh ang layo eh. Ano naman ang pumasok sa kokote mo at busy ang basa niyan.  Ganyan ka ba talaga magbasa ng text??? Kaya ba naging BUSY kasi magkatunog??Sige pababayaan na kita sa istilo mong ganyan.

4. JEJEJE:

          Ang akala ko dito ay si 50 cent. JEJEJE-unit!!! Hahaha. Eh tawa mo pala ito eh. Bakit JEJEJE hindi HEHEHE na lang ang gamitin mo. Alam kong ang rason mo ay para maiba naman, pero kung ito ginamit mo eh JEJEMON ka na niyan diba!!?  Sige na nga confirmed na. Jejemon ka nga.

5. NALA2MAN:

          Sa una kong basa walang salitang ganito. Kailan ba nagkaroon ng salitang "nalatoman"? yun pala ang ibig sabihin ng salitang ito ay "nalalaman". Nilagay yung "2"  PAGKATAPOS NG "la" para ulitin ito ng dalawang beses para basahin na "lala" kaya nagiging NALALAMAN. Eh kung ganyan ka pala magbasa eh, walang basagan ng trip.

6. MSRP:

          Ito na ata ang mga text ng makabagong panahon. oh parte parin ito ng  telegrama. Alam kong MASARAP ang ibig sabihin ng text na yan pero bakit ganyan? Tinanggal mo lang mga vowel kaya naging ganyan. Parte parin ng tipid sa text. eh kahit naman magtipid ka sa text PISO padin eh.

7. AQ:

          Kung ako magbabasa niyan "Ahkyu". Pero it refers to "AKO" pala. Wow ha hanep na talaga ang pagbabasa mo.

8. PIPOL:

          Pinalitang ng letrang "I" yung "EO" tapos pinalitan din ng "OL" yung "LE". masyadong komplikado. iba na talaga ang naiisip ng mga tao. Baka hanggang sa school gamitin yan ha.. Wag naman sana. Pakigamit na lang ang mga tunay na spelling ng mga salita wag po yang mga shirt cut na yan.

9. CUZ:

          Ginagamit siguro ito sa paglalaba. Kasi dapat "cuz-cuzin" ng maigi para matanggal yung mantsa. Pero ginagamit ito ng karamihan short para sa BECAUSE. Pero hindi lang naman tayong mga Pinoy ang gumagamit nito. Pati si Uncle Sam ginagamit din ito.

10. W8:

          Ito yung pinakagusto ko kapag nagtetext ako ng WAIT. kesa naman sa WT, baka mapikon lang ako dun kasi hinihingan ako ng timbang. Pakyuuuu!!! Hahaha. Karamihan ito ata ang gamit eh. Aminado naman akong ito ginagamit ko.


          Sa panahon ngayon karamihan sa mga text na ginagamit ay yung mga binanggit ko sa itaas. Ang tawag diyan ay TEXTOLOG. TEXT na TAGALOG. Yan kasi ang ginagamit nating mga Pinoy, ikaw ba naman ang TEXT Capital of the World. May mga version din ng mga kano ng mga ganito tulad ng BRB-be right back, GTG-got to go, LOL-laughing out loud at marami pang iba. Malamang ganyan din sila magbasa. Ito ang halimbawa ng texttolog ko:

"Wat na gawa u? Bz k b? Ask k lng f nala2man b ng guy n my gus2 aq s knya?

          Yan na ata ang halimbawa ng sagad na textolog. Eh ganyan tayo magbasa eh. Ikaw, paano ka ba magbasa???

 

Instant!!!

          Karamihan sa ating mga Pinoy mahilig sa mabilisan. Tulad na lang sa mga pagkain kaya sabi nga nila, maikli daw pasencya natin pagdating dito. Gusto natin mabilisan lang ang pagluto o di kaya naman ay mabuksan lang sa kalalagyan kain na agad.

          Ilan lamang sa aking babanggitin ang mga instant at madaliang pagkaing kinahihiligan ng mga Pinoy.

1. Sardinas:

          Sino pa ba ang hindi makakalimot sa ulam na para sa masang ito? Halo lahat ng Pinoy kumain na nito at hindi mo nga naman maikakaila ang kabilisan ng pagkain nito. Buksan mo lang ang lata at taraaan!!!! May ulam ka na, samahan mo pa ng mainit na kanin. SWABE na!!! Isa ito sa pambansang ulam ng mga Pinoy. Mahal na kasi ang galunggong. May kamahalan na din yung tuyo. kaya sardinas na lang.

2. Noddles:

          Ang tawag dito ay pagkaing estudyante. Karamihan kasi ng mag-aaral ay ito ang palaging kinakain. Ilang minuto lang na pakulo at ayan may instant noodles ka na. Isama mo pa yung nilalagyan lang ng mainit na tubig. Oh diba!!! Instant na instant.

3. Itlog:

          Ito naman yung tipo na akala mo ang galing mong magluto pero isang pritong itlog lang o nilagang itlog lang pala. Pero kapag nakaluto ka nito, iba naman ang pakiramdam mo parang nakaluto ka ng isang espesyal na dish. Instant din ito para sa mga estudyante dahil isang painit lang ng mantika sa kawali, tapos basagin lang ang itlog at ayun, may fried egg ka na... Sunny Side up ba??? Bahala ka na din..

4. Frozen Foods:

          Ito naman ay para sa mga medyo nakaka-angat sa buhay. May pambili sila ng mga tocino, longganisa at hotdog. Instant din ito kasi prito din lang idaan mo lang sa kumukulong mantika pwede nang kainin. Karamihan siguro ng nag-aaral nandito. Ang sarap kaya ng tocino lalo na yung young pork. Nag advertise talaga eh.Hahaha.

5. Cereals/Oatmeals:

          Para ito sa mga mayayaman. Pa oatmeal na lang yung iba cereals lagyan lang ng gatas. Sosyal naman kaya ng dating mo dito. Pero ako kung cereals din lang, pinapapak ko..hahaha Ang sarap kaya lalo na yung Honeystar. Instant din ito sdahil buksan lang ang kahon, ibuhos sa mangkok at lagyan ng gatas-malamig o mainit presto!!!! May pagkain ka na.


          Sa larangan ng pagkain, mahilig ang mga Pinoy. Mabilis man ihain o matagal basta kapag nakain at nabusog, ibang pakiramdam na yun. Langit!!! Nahilig nga lang tayo sa instant kasi nga maikli ang pasencya natin at may katamaran din kung tutuusin. Kapag hindi niyo na try ito, malamang ibang mundo kayo lumaki. Kapag nasubukan niyo na ang mga ito, masasabi mong PINOY ka!!!

Tuesday, August 5, 2014

Pinoy Love Story

          Marami sa atin ang nahuhumaling sa mga pelikulang Pinoy lalong lalo na sa mga pelikula ng mga idolo natin. Pero hindi natin napapansin ang paulit-ulit na istorya ng pelikulang pinapanuod. Halos lahat iisa ang tema at istorya ngunit hindi natin napapansin. Minsan nagiging predictable na ang lalabas. Kaya hanga ako sa mga ibang Pinoy na hindi nanunuod ng tagalog movies, rason nila-hindi naman nakakakilig ang pinoy movies eh, minsan daw nakakatanga at minsan naman nakakabagot. Masasabi ko lang sa mga ito- TAMA SILA!!! Hahaha. Hindi naman masama ang hindi tumangkilik sa Pinoy movies pero sabi nga ng iba, nakakatanga.

          Ito ang mga halimbawa ng mga tumatakbong istorya ng pelikulang Pinoy:

1. Masayang pamilya-ang ama, ina at anak ay may masayang buhay hanggang sa kalaunan, magsasawa na ang mag-asawa. Hahanap ng ibang yung lalaki. Kapag may kabit na, mapapansin na ito ng asawa kung bakit parang matamlay na ang relasyon nila. Mag iimbestiga ngayon ang asawang babae hanggang sa malalaman nito na may kabit nga ang asawang lalaki. Mag-aaway hanggang sa magkakabati at mangagnakong hindi na uulitin.

2. Magkakaroon ng anak na kambal. Ung isa mabubuhay sa mayamang pamilya, ang isa naman sa mahirap hanggang sa magkakatagpo at magkakasama sa iisang bahay. Mag-aaway sa iisang lalaking magugustuhan at siyempre, magugustuhan ng lalaki ung lumaki sa hirap kasi mabait samantalang yung isa hindi magugustuhan kasi masama ang ugali.

3. Lumaki sa hirap at dahil doon, siya ay inalipusta. Magkakaroon ng pagkakataong yumaman at maghihiganti sa nang alipusta sa pamilya hanggang sa maaagaw ang lalaking ginugustuhan.

4. May kuwento yung lalaki, may ibang istorya naman yung babae hanggang sa sila ay magtagpo at ayun, magpapakasal na agad!!!!

5. Mahuhuling may kabit si Mister, sasampalin ng ilang beses hanggang 22 na sampal. Teka, parang pamilyar ata ito... aaah uu nga. Eksena ito sa 2 mrs REAL si bagyong Millet.. Hahaha..


          Ilan lamang ito sa mga eksena ng Pinoy Love Story. Nakakatanga diba??? Kapag nanunuod ka nito, mabobobo ka na sayang pa pera mo... Kaya ako, hindi ko kaya maintinduhan yung mga tagalog movies..Hahaha... ANo?? NUOD PA!!!

Monday, August 4, 2014

Pinoy Slang

          Marami sa atin ang magagaling mag salita ng mga banyagang lenguahe. Partikular na ang English. Magagaling ang mga Pinoy sa pagsasalita nito at yung iba naman nagmamagaling. Hindi namang masama mangarap magsalita ng English pero kung wrong grammar din lang, just keep it to yourself na lang. Yung iba naman sa sobrang pagsasalita ng English, na i slang nila. Halimbawa nito ay ang salitang "All of the AVOVE". Ayan nasobrahan sa slang. Hindi na tuloy alam kung alin ang "V" at "B". Yan ang Pinoy slang. Isa pa, ang salitang "Free to Flay", nalito din kung alin ang "F" sa "P", yang ang Pinoy slang. Ang iba kasi sa atin, jinajudge ang tao sa pagsasalita niya ng English. Kung may isang tao nagsasalita ng English, hinihintay natin yung ma wrong grammar siya o magkamali ng pagbigkas ng salita. Tulad na lang ng "To your LIFT". Hindi naman masamang kumaliwa pero malay mo dalawa ibig sabihin niyan, "yung elevator nasa kaliwa"..hahaha.. Marami pa akong halimbawa tulad ng "I will buy some FRISH FLOWERS for FETER" ayan ang pinaka da best na Pinoy slang... Pinoy na Pinoy... Inaamin ko, hindi din ako magaling magsalita ng English. Pero hindi naman masamang mangarap na makapag salita ng English....ayusin lang natin kasi ang kapwa Pinoy kapag nagsasalita ka ng English, inaabangan nila yung mali mo. Fault finder kasi tayo eh. kumbaga sa isang malinis na cocomband (Coupon bond) laging pinupuna yung tuldok. Kahit saan mo ilagay yung tuldok  sa isang malinis na bond paper, laging napapansin yung tuldok... ganun tayong mga Pinoy.

Sunday, August 3, 2014

Daniel Padilla Fever

          Marami na ang nahuhumaling kay Daniel Padilla. Malakas daw ang dating, magaling na artista guwapo at marami pang iba. Pero kelangan mo namang i-prioritize ung mga needs mo boy. Ito ang mga dahilang may sakit ka na.

1. Bumibili ka ng CD niya:

          Okay lang na bumili ka ng CD album niya. Pero wag naman na tuwing may album eh bibilhin mo na lahat ng album niya tapos hindi mo naman pinapatugtog. Tinitignan mo lang yung mga photos sa loob ng CD album. Kung ganun din lang, i-google mo na lang pangalan niya tapos i-click yung "Image" oh ayan ang dami pa kahit maglaway ka jan hanggang sa bumaha ang Metro Manila.

2. Lahat ng Merchandise about sa kanya binibili mo:

          Naglalakad ka pauwi at pinagpapawisan. Okay lang yan, nakabili ka naman ng notebooks at posters niya. Kung di ka naman tanga!!! Bakit kung binili mo ba lahat ng merchandise niya, makikilala ka niya at mapapansin??? Hindi diba!!!?? Oh edi, confirmed... tanga ka nga!!!

3. Kapag may concert siya, nandun ka:

          "Ma, nadukutan po ako." Kasi pinambili ng ticket worth 5,500 pesos makapunta lang sa VIP sa concert. Tapos kakamayan ka lang.. Kinausap ka ba??? Inilibre ka ba ng kahit samalamig man lang??? Hindi diba!!!??? Oh confirmed again, tanga ka nga!!!

4. Fit na fit na rin ang pagsuot mo ng pantalon:

          Kapag pati ito ginaya mo, ang pantalon Daniel Padilla tapos ang legs Dennis Padilla tiis tiis din ng mga panlalait pag may time. Magsusuot ka ng fit na fit na pantalo, bat kung mag leggings ka na lang ha!!!

5. Kinakanta ang mga kanta niya sa videoke or ktv bar:

          Wag ka ng panira ng moment. Ang saya na sana eh tapos magpapatugtog ka lang ng "Nasa yo na ang lahat" and worse feel na feel mo pang kumanta... sisipain na kita papuntang mars.

 
          Hindi naman pong masamang humanga sa mga artista. Pero isipin muna natin ang kapakanan mo. Wag ka din gaya-gaya, oo alam ko uso yan pero magkaroon ka din ng self-identity. Alam ko unique ka. Simula palang ito ng panggigisa ko sa mga tangang fan. Sa mga haters ko naman... uhmmm..ito, gitnang daliri ko...

Thursday, July 31, 2014

Palusot sa school dot com

          Matutunghayan natin ngayon kung anu-ano ang mga palusot ng mga estudyante kung bakit sila nale-late or absent.

1. Mind-grain:

          Oo, alam kung utak gabutil ka pero kung magpapalusot ka ng rason mo, basa-basa muna ng dictionary or google gogle din pag may time. Naranasan ko din to minsan eh pero hindi ang utak gabutil na yan ha. Hahaha.

SAO: Bakit ka absent?
Student: May Mind-Grain po ako sir.
SAO: Hah????!!!!?????

          Ayan oh nagtaka ang student affairs office sayo kasi hindi nila mismo naintindihan yung sagot mo...

2. I need to SAW my unniform:

          Aah gets ko na!!!! Lalagariin mo muna ung uniform mo bago pumasok...Aba Matinde!!! Eh talagang male-late ka jan, kaw ba naman ang kumanta ng "Top of the World"--->carpenter.

3. I wake up late:

          Sabi naman kasi wag kang magpupuyat sa lamay. Ayusin mo din yung mga tense tense na yan, past tense future tense na yan.  Dapat makita mo lang yung labi ng namatay umuwi ka na agad ooops, wag mong kalimutang mag-Pagpag!!!

4. No taxi:

          Eto yung rason ng mga nasa siudad, wala daw taxi. Anong nangyari bakit walang taxi??? Taxi lang ba ang masasakyan??? Alam naming gusto mong mapabilis ang biyahe pero kung mag jeep ka dapat nagising ka ng maaga kaya wag mong i rason yang walang taxi.


          Tuturuan ko kau ng rason na walang makakapigil kahit ang presidente. Kung ito ang nirason mo, tiyak panalo.


  • Kung lalaki ka dapat irason mo- Diarrhea. Kesa naman pumasok ka eh kung nakatae ka sa room. Nakakahiya diba??!!
  • Kung babae ka dapat - Dysmenorrhea. Sino ang magtatangkang pumasok kung masakit talaga ang puson mo? Masakit talaga yan para sa mga babae-maintindihan ng mga prof na babae yan. 

          Kapag magpapalusot ka maliban sa 2 na binigay kong makakatulong sayo, be creative!!! Use your imagination kapag magpapalusot ka sa SAO...Goodluck!!!



Wednesday, July 30, 2014

Paano magiging Bawal???

          Tungkol ito sa mga "Bawal" ngunit paano magiging bawal kung mismong ang mga karatula ay hindi maintindihan. Minsan naman paano magiging seryoso ang isang karatula kung ito mismo ay nakkatawa. Ilan lamang ito sa mga karatula na aking babanggitin.

1. No Bandalism:

          Ayan!!! Paano susundin yang karatula na yan na nakalagay sa pader??? Ano yan bawal magpractice ng Banda??? O bawal magdala ng bandila??? Ang gulo talaga.. Paano magiging bawal yan???


2. Bawal magtapon ng Upos ng sigarilyo sa sahig, nagkaka-cancer ang mga Ipis:

          Hindi lang tao ang nagkaka-cancer pati ipis. Hahaha. Paano susundin yan kung nakakatawa at mukhang hindi seryoso. Paano magiging bawal yan???


3. Don't Full, just Push:

          Ang linaw ng isang ito. Bawal ang busog kaya kung papasok ka dito dapat gutom ka. alinaw naman na nakalagay ito sa pintuan. Paano magiging bawal yan???

4. Bawal Umehi dito, sa iba naman:

          Ang karatulang ito ay gawa siguro ng bisaya. Please wag kaung magtampo mga bisaya sakin ha. Kasi natawa lang talaga ako sa karatulang ito. Paano susundin yan ng mga tao kung hindi seryoso ito sa pagkakasulat? Paano magiging bawal yan???

5. Pu+ang ina, tumawid ka:

          Ayan oh, siya na mismo nagsasabi. Sige na wag ka nang mahiya. Pero kapag nasagasaan ka, wag mong isisi sa gobyerno ha. Hahaha.. Kapag namatay ka, punta ka lang sa LIBING Things, dun makakabili ng kabaong!!!


          Marami sa atin ang nagsasabi na masarap ang bawal, pero kung matalino tayo eh kahit nakakatawa man ang isang karatula or wrong spelling basta alam natin ang ibig ipahiwatig ng karatulang ito eh wag na tayong pasaway...

Tuesday, July 29, 2014

Botong-boto

          Pag-usapan naman natin ngayon yung bagay na may pakialam sa ating bayan-ang eleksyon. Madami kasing naglalabasang kandidato. Tong tatlong tong babanggitin ko ay palaging kumakandidato. Kaya ipagpatuloy mo ang pagbabasa dahil ilalantad ko na kung sino sila.


1. Vote WISELY:

          Lahat naman tayo ay kilala siya. Siya ang simbolo ng katalinuhan at kaayusan ng pagboto. Sa kasamaang palad, palagi siyang natatalo. Ano ba ang nagiging dahilan kung bakit siya natatalo. Una, siya yung tipong nangangandidato ng maayos. malinis siyang maglaro sa larangan ng halalan. Pangalawa, siya ay mahirap. Wala siyang sapat na yaman para mangandidato. Laway lang ang puhunan niya. Pangatlo, lagi siyang sinisiraan ng mga kalaban niya.


2. Vote BUYING:

          Siya yung palaging nananalo sa halalan. Gustong-gusto siya ng karamihan lalo na kapag last minute na ng pangangampanya. Napakayaman ng kandidatong ito. Siya ang kahulugan ng Boom Panes kasi panes ang laway nito dahil ang puhunan nito ay ang kanyang yaman. Napakarumi itong maglaro sa halalan. Kaya niyang bayaran ang bawat isa sa atin. Congratulations!!! Palakpakan!!!


3. Vote STRAIGHT:

          Ito yung walang pakialam sa kampanya kaya naman wala din akong pakialam dito. Wag na natin siyang pakialaman. Wala namang kwenta kung manalo siya or matalo siya.



          Ang pinupunto ko lang naman dito ay sa tuwing halalan natatalo ni BUYING si WISELY... Okay lang yan Wisely bawi ka na lang next time kung makakabawi ka. Para naman sayo BUYING, keep up the good work!!! Balato naman! Hahaha...

Monday, July 28, 2014

Pamahiing pamana

          Tayong mga Pinoy ay may sandamakmak na pamahiin. Tatanungin mo kung sinong nagsabi ng pamahiin n ayun, sasagutin ka ng "Basta, wala namang mawawala sayo eh" anong rason yan!!! Kaya ito ang ilan sa mga pamahiing lintik lang ang walang ganti.

1. Bawal magwalis pag gabi kundi mamalasin ka:

          Sino nagsabi? sasagot sila ng "Sabi ng matatanda" Hah!!! Kapag nakatapon ako ng asukal sa gabi ano hihintayin ko na lang bang mag-umaga? Hahayaan ko munang malanggam ako kasi nga sabi ng matatanda bawal magwalis. Tsk. Tsk. Tsk. Bakit hindi nila palitan yan ng "Okay lang ang magwalis sa gabi para maitaboy ang malas" Sinong nagsabi??? "Mga bata" Bahala na ngang pamahiin na yan....moving on.

2. Wag kang magsusuot ng Pula sa lamay:

          Aba! at may fashion sense din ang mga patay... hahaha.. May kakambal itong pamahiin na ito eh, dapat ang mga batang kamag-anak ng namatay dapat magsuot ng pula para hindi multuhin..awooooo...
Tapos bawal magsuot ng pula sa lamay, aba! Sino niloloko niyo??? Sinong nagsabi??? "Mga matatanda" Ewan ko sa inyo!!!

3. Ang pagreregalo ng arenola sa bagong kasal ay swerte"

          Ay kung ganyan din lang di inidoro na ang iregalo mo para lalong swertehin yang lintik na bagong kasal na yan!!! Ano kinalaman ng arenola sa kasal??? Sinong nagsabi? "Mga matatanda" Sino ba yang matatandang yan at kakausapin ko???

4. Malas ang bahay na naitayo sa ika-13 na petsa ng buwan:

          Napaka bias naman tong pamahiin na to!!! Ika-13 lang talaga hah, di ba pwedeng  ika-12 or ika-14??? Talagang ika-13.. Sinong nagsabi? "Mga matatanda"  Aba napipikon na ako sa mga matatanda na yan!!!

5. Kapag nakasalubong ka ng itim na pusa, malas daw:

          At pusa lang talaga, panu kung asong itim ba hindi malas??? Napaka mapili yang pamahiin na yan!!! Sinong nagsabi? "mga matatanda" tsk tsk tsk.. gusto kitang makausap...Pusa pa talaga ang napili, isusumbong ko kayo sa PETA at PAWS!!!

6. Ang pusa ay may siyam na buhay:

          Ang pusa ay may siyam na buhay at ang aso ay isa lang ganun!!!??? Unfair naman ata yan... buti pa ang tao may tatlong buhay-public life, private life at secret life..hahaha.. nailusot ko lang.. balik tayo sa pusa na yan!!! sarap gawing siopao.. pero bakit nga ba may siyam na buhay??? sinong nagsabi? "mga matatanda" lintik na matatandang yan, gusto ko na talaga silang makilala...

          Ilan lang ito sa mga pamahiin na balak kong talakayin sana nag-enjoy kayo... Wala namang masama sa pagsunod sa mga pamahiin pero isipin din natin kung minsan ung logic nito... gamit din ng utak minsan anoh!!!

Sunday, July 27, 2014

Kasabihang sabi-sabi!!!

     Firstly, talagang sinimulan sa "Firstly" hahaha. ang title po ng blog na ito ay "Seriously Funny" ano ba ibig sabihin nito kasi parang nakaka bloplaks lang eh! Seryoso tapos Nakakatawa??? Pwede bang pag samahin yun??? Well, oo!!! Seryoso sa paraan ng pagpapatawa. Thats it!!!

     Ang unang episode ay sisimulan ko sa mga walang sawang "Kasabihan" na yan!!!

1. Kung may Tiyaga, may Nilaga:

          Wow!!! Kailangan kang mag-tiyaga para magkaroon ka ng nilaga. Hmmmm... Hindi naman sa lahat yan applicable eh! Dapat nilagay nila jan- Kung may tiyaga ang ilan, may nilagang matitikman. Yun dapat, kasi madami na sa atin ang nagtitiyaga na lamang tapos hanggang ngayon eh wala pang nilaga. Sino ba nag sabi niyan??? Malamang nakatikim na ng nilaga yan!!! Hahaha.. Ginawang literal...

2. Daig ng maagap ang masipag:

          Ang isang to para tanga lang!!! So kung i cocompare mo to parang Punctuality vs Hardworking!!! Ang sabi mas nakakalamang ang Punctuality kesa sa Hardworking. Dapat pala lagi akong maaga kahit na tamad ako, kasi nakakalamang pa rin ako sa mga masisipag..Hahaha.. Hmmmm.. magawa nga minsan to..

3. Kapag may isinuksok, may madudukot:

          Ah sure ako yung gumawa dito taga Maynila- taga Divisoria..Hahaha.. Dami kasi doong mandurokot eh! Ang ibig sabihin kasi nito dapat mag-ipon ka, mag-ipon ng semilya.. iba iniisip mo! Aminin!!!

4. Kapag Binato ka ng bato, batuhin mo ng Tinapay:

          Ito yung manlolokong kasabihan. Nung bata pa ako bato ako ng bato wala namang namimigay ng tinapay. Hanggang sa paglaki, bato pa rin ako ng bato. Hoy!!! Iba iniisip mo nanaman- ano yan, PDEA???
Batogan ang ibig kong sabihin... Penge ng tinapay!!!

5. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo:

          Patay na ba??? Nagcoconcert pa nga eh!!! Pumupuno pa ng Araneta!!! hahaha... Kaya pala nauso ang drugs nung una kasi yan ang hilig nilang kasabihan- DAMO in short Cindy, Mary, Jane, Marie, Juana.. gets mo??? kung hindi, alugin mo ung ulo mo ng mataktak ung utak mo!!! Peace!!! Hahaha...

6. Kung may itinanim, may aanihin:

          Bravo!!! Saludo ako sa mga magsasaka, kung literal. Pero parang nasa number 5 din yan eh... magkadugtong lang sila..hahaha oh baka naman nasa number 3 din yan... Nagtanim ka ng ano  tapos balang araw may ano ka na tapos mag anohan nanaman tapos magtanim ng ano ulit... nakaka-ano!!!

          Marami pang kasabihan pero di ko na babanggitin lahat! Pwede ba ilagay yung "Kahit walang ipon, basta may Iphone"? Hehehe....

          Maraming salamat sa pagbabasa at sana pagpalain ka NIYA!!!